top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 20, 2021




Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng mga bakunang Janssen at Covaxin kontra COVID-19, batay sa inanunsiyo ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa ginanap na public briefing kagabi.


Nauna na ring nag-tweet si Indian Ambassador Shambhu Kumaran upang pasalamatan ang ‘Pinas sa iginawad na EUA sa bakuna nilang Covaxin na mula sa Bharat Biotech manufacturer.


Ayon sa tweet ni Kumaran, “Another decisive step in the long battle together against Covid-19.”


Batay sa pag-aaral, ang Covaxin ay nagtataglay ng 92% hanggang 95% na efficacy rate.


Samantala, ang Janssen COVID-19 vaccines nama’y gawa ng Johnson and Johnson, kung saan mahigit 6 milyong doses nito ang binili ng ‘Pinas.


Matatandaang inirekomenda ng U.S Food and Drug Administration (FDA) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ihinto muna ang pagbabakuna ng Janssen dahil sa iniulat na blood clot sa 6 na nabakunahan nito.


Sa ngayon, ang may emergency use authorization (EUA) pa lang na bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac, ang Sputnik V ng Gamaleya Institute at kabilang ang dalawang nadagdag na bakuna.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021



Gaganapin sa ‘Pinas ang clinical trial ng bakunang EuCorVac-19 na gawa ng South Korea upang labanan ang lumalaganap na COVID-19 pandemic, ayon sa Glovax Biotech Corporation ngayong araw, Abril 12.


Ayon kay CEO Giovanni Alingog, “The reason we wanted to do a clinical trial in the Philippines is most of the companies that were given EUA (emergency use authorization) in our country have not done a clinical trial locally. The reason we wanted to trial locally is to show, for ethnicity purposes, for Filipinos, that the vaccine is also effective and safe.”


Ngayong Abril ay nakatakdang isagawa ang combined phase 1 at phase 2 trial ng EuCorVac-19.


Batay pa sa pag-aaral, nagtataglay ito ng 91% hanggang 95% na efficacy rate.


Dagdag ni Alingog, “Because of the emergency purposes or the need of vaccine, we are asking the clinical research organizations and our FDA (Food and Drug Administration) to fast-track a bit our clinical trial so we can serve the Filipino people with a quality and safe vaccine from Korea.”


Samantala, iginiit naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na nakikipagtulungan na rin ang Glovax sa Department of Science and Technology (DOST) upang makapag-develop ang ‘Pinas ng sariling bakuna kontra COVID-19.


Sa ngayon, ang may emergency use authorization (EUA) pa lang na bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac, at ang Sputnik V ng Gamaleya Institute.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page