ni Lolet Abania | March 3, 2022
Inanunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong Huwebes na ang proseso ng scholarship application para sa mga papasok na first-year college students ay suspendido muna dahil sa kakulangan ng pondo.
“CHED will temporarily suspend the application to CHED Scholarship Program (CSP) for incoming first-year college students for Academic Year (AY) 2022-2023,” post sa Facebook ng CHED.
“The suspension is an offshoot of budget inadequacy in the Commission’s FY 2022 budget for StuFAPs (Student Financial Assistance Programs),” dagdag pa ng ahensiya.
Sa isang memorandum na may petsang Pebrero 21, inatasan ni CHED Chairperson Prospero de Vera III ang mga regional offices ng komisyon para magpakalat ng impormasyon hinggil dito, upang maiwasan ang mga fake news at kalituhan sa mga estudyante na nagnanais na mag-apply ng scholarship.
Matatandaang nai-report na ng CHED noong Setyembre, na ang commission ay nag-provide ng financial aid sa mahigit 2 milyong estudyante.