top of page
Search

ni BRT @News | August 23, 2023




Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kakandidato sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na iwasang masangkot sa maagang pangangampanya.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maaari lamang mangampanya ang mga kandidato sa official campaign period para sa halalan na itinakda sa Oktubre 19-28.


Paliwanag ni Garcia, ang premature campaigning ay may katumbas na kulong na isa hanggang anim na taon at diskwalipikasyon.


“Bawal umikot. ‘Yung pamimigay ng ayuda na wala namang ayudang dapat ipamigay at

hindi naman regular na ginagawa ay pangangampanya na ‘yan,” aniya pa sa isang panayam,


Batay sa calendar of activities na inilabas ng Comelec, magsisimula ang election period sa Agosto 28.


Ang botohan naman ay nakatakda sa Oktubre 30.



 
 

ni Madel Moratillo | June 13, 2023




Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng voter education sa mahigit 1 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).


Ayon sa Comelec, makakatuwang nila rito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Layon umano ng programa na maipaunawa sa mga ito ang kahalagahan ng demokrasya at maturuan sila na maging responsable at edukadong botante.


Magkakaroon din ng orientation patungkol sa step-by-step process ng voter registration, mga kwalipikasyon at tungkulin ng inihalal na mga opisyal sa Barangay at Sangguniang Kabataan.


Layon din nito na malabanan ang mga maling impormasyon tuwing halalan.


Ang naturang voter’s education campaign para sa 4Ps ay matagal na ring isinusulong ng poll body. Ito ay para malabanan din ang vote buying tuwing halalan.


 
 

ni Madel Moratillo | March 9, 2023




Target ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng early voting para sa mga senior citizen, persons with disabilities at buntis.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, iminungkahi na niya sa en banc ang panukalang ito para mapag-aralan.


Sakaling aprubahan ng en banc, magkakaroon ng pilot testing para rito sa ilang piling lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.


Sa mungkahi ni Garcia na early voting ay magsisimula ng 5am hanggang 7am. Mas maaga ito sa normal na oras ng pagbubukas ng botohan. Gayunman, kakailanganin ng dagdag na pondo para rito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page