nina Jeff Tumbado at Nina V. Reyes | October 8, 2021
Umaabot na sa kabuuang 572 ang mga naghain ng kanilang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) upang sumabak sa halalan sa Mayo 9, 2022.
Nasa 97 ang nagsumite ng aplikasyon para mapayagang kumandidatong pangulo ng Pilipinas habang umabot ng 29 ang nais na maging bise presidente.
Pumalo naman sa 176 ang gustong tumakbong senador habang 270 ang naghain na mga partylist group ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA).
Sa kabila ng mahabang listahan ng mga nais kumandidato, nilinaw ng Comelec na hindi pa pinal ang mga listahan dahil sasalain pa at posibleng may ilan na maidedeklarang nuisance o hindi mapapayagang tumakbo.