top of page
Search

ni Madel Moratillo | May 21, 2023




Sa bagong calendar of activities na inilabas ng Commission on Elections, ang gun ban ay mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29.


Kaugnay nito, simula sa Hunyo 5, tatanggap na ang Comelec ng aplikasyon para sa gun ban exemption kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.


Sa Comelec Resolution 10918, sinabi ng poll body na ang aplikasyon para sa Certificate of Authority para makapagdala ng armas sa panahon ng gun ban ay puwedeng ipadala electronically sa Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns mula Hunyo 5 hanggang Nobyembre 15.


Ito ay sa pamamagitan ng Comelec website na www.comelec.gov.ph.


Ang mga exempted sa gun ban ay President, Vice President, Chief Justice ng Supreme Court, Senate President; lahat ng incumbent senators; House of Representatives Speaker; lahat ng miyembro ng House; at Justices ng SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, at Court of Tax Appeals.


Exempted din ang lahat ng hukom ng regional, municipal, at metropolitan trial courts; Ombudsman, Deputy Ombudsman, at investigators at prosecutors ng Ombudsman; prosecutor general, chief state prosecutor, state prosecutors, at prosecutors ng Department of Justice; at mga opisyal at ahente ng National Bureau of Investigation.


May automatic exemption din ang Cabinet Secretaries, Undersecretaries, at Assistant Secretaries, lahat ng Election Officers, Provincial Election Supervisors, at Regional Election Directors.


Exempted din ang mga opisyal at miyembro ng law enforcement agencies/entities, mga opisyal ng departments, divisions, offices performing law enforcement at security functions, mga opisyal at personnel ng jail and corrections facilities, intelligence and investigative divisions, at Department of Justice, Bangko Sentral ng Pilipinas, at iba pang public offices at institutions.


Sa panahon ng gun ban, bawal magdala ng armas.


Ang lalabag ay mahaharap sa election offense na may penalty na pagkabilanggo ng 1 hanggang 6 na taon at matatanggalan ng karapatang bumoto at habambuhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng public office.


 
 

ni Madel Moratillo | March 23, 2023




Binago na ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa halip na Hulyo 3 hanggang 7, gagawin ng Agosto 26 hanggang Setyembre 2 ang petsa para sa paghahain ng kandidatura.


Ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, naging konsiderasyon dito ang kahilingan ng ilang senador na ikonsidera ang pagbabago ng filing ng COC.


Masyado umanong malayo ang petsa ng paghahain ng kandidatura sa mismong araw ng halalan.


Bukod dito, mainit din umano ang tensyon sa mga kandidato sa BSKE.


 
 

ni Madel Moratillo | March 18, 2023



Posibleng maisailalim sa Comelec control ang ilang lugar na nagkaroon ng karahasan o pagpatay sa mga halal na opisyal sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Kilalang mainit ang labanan sa barangay elections kaya mahigpit itong binabantayan ng mga awtoridad.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa ngayon ay mahigpit na rin ang kanilang ginagawang monitoring sa mga karahasang nagaganap.

Ito ay para mailatag na ang mga lugar na kailangang tutukan at ilagan sa kategoryang serious of concern o isailalim na sa Comelec control.

Ayon sa Comelec Chief, nakakalungkot ang mga pangyayaring ito. Pero sa kabila nito, siniguro niyang hindi sila matatakot sa kabila ng mga banta at patuloy na gagampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page