Sa kanilang YouTube vlog na The Crawfords ay nagbigay ng update ang mag-asawang Billy Crawford and Coleen Garcia sa pagbubuntis ng aktres na ngayon ay limang buwan na.
Dahil nga first time ni Coleen mabuntis, bago sa kanila ang lahat ng nangyayari at mga developments sa pregnancy.
Nakakaaliw ang tanong ni Billy kung bakit 'pag buntis ang misis, eh, pati silang mga lalaki ay naglilihi.
“Kasi for the 3, 4 days that she was going through that, 2 out of the 3 days or 4 days, ako ‘yung sumusuka, ako ‘yung nagke-crave ng mga pagkain na gusto niya,” kuwento ni Billy.
Ikinuwento naman ni Coleen ang hirap na dinanas niya sa sixth week ng kanyang pregnancy.
“My sixth week was pretty terrible. I spent the entire week in bed pretty much and I was so nauseous. I kept vomiting and I thought that it was morning sickness until I realized that it was actually my vitamins.
“I think I was getting some kind of allergic reaction to it. Then after that, I had to stay home again because bigla akong nagka-spotting.
“After two weeks bed rest, the blood clot was gone. Everything was great kaya lang 'yung mental state ko really, really suffered during that time. That whole two weeks kasi, I wasn’t allowed to do anything but stay in bed. Puwede lang akong bumangon sa kama 'pag magsi-C.R. lang ako.
“I was so depressed. You know the feeling na you feel so icky, so ugly, so gross, and I just felt like a sloth lang talaga. Nakadikit lang ako sa bed. To be in bed for two weeks, not doing anything, with anxiety, really made me feel so depressed,” kuwento ni Coleen.
Pero after naman daw ng two weeks bed rest ay naging maayos na ang kanyang pakiramdam.
“So that feeling alone, overcoming that feeling of depression those two weeks, it was already something that I had a hard time with. By God’s grace, we got through that period.
“It’s different now kasi iba 'yung naka-quarantine ka, iba 'yung naka-bed rest ka.
"Now I’m just so happy that the baby is healthy, the baby is fine. So everything was fine. Everything was normal,” sey pa ni Coleen.
Sinabi rin ni Coleen na alam na nila ang gender ng kanilang baby pero hindi pa nila ini-reveal.
***
Binibigyang-diin ng GMA Kapuso Foundation o GMAKF sa publiko na wala silang politikal na koneksiyon o sinusuportahang kahit na sinong kandidato sa kanilang mga proyekto.
Sa kanilang “Operation Bayanihan: Labanan ang COVID-19”, kasalukuyang namimigay ng grocery packs ang GMAKF sa mga nangangailangang pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa quarantine.
Nagmula naman sa mga donasyon ng publiko pati na rin sa mga partners nila sa private sector ang mga ipinamimigay nilang tulong.
“GMA Kapuso Foundation distributes family grocery packs in aid of daily wage earners and their families affected by COVID-19. GMA Kapuso Foundation is not affiliated with and does not support any political candidate. GMAKF is nonpartisan and nonpolitical.
“Wala kaming kandidato. Wala kaming kinikilingan. Ang mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation ay pawang SERBISYONG TOTOO LAMANG,” pahayag ng GMA-7 sa kanilang official Facebook page.
As of May 5, higit 31,000 katao na ang natulungan ng GMAKF sa kanilang proyekto. Kaya naman sa mga mapagsamantala o malisyoso, ‘wag sana nating pag-isipan pa ng masama ang ginagawa nilang pagmamalasakit sa kapwa ngayong krisis na ito.
***
Dahil naka-quarantine sa bahay, panonood ng K-drama ang naging libangan ng mag-inang Ina Feleo at Direk Laurice Guillen.
Noong nakaraang Mother’s Day, ibinahagi ni Ina sa Instagram ang kanilang naging intimate Korean dinner.
“Our first 'date night' kind of dinner since ECQ. Dahil pareho kaming nahihilig sa K-drama ngayon, um-order ako ng shabu-shabu. Pumitas ng ilang fresh flowers para sa centerpiece at naglabas ng soju. Sarap!” post ni Inna.
Nag-post din ang Bilangin ang Bituin sa Langit actress ng mga throwback pictures nila ng kanyang ina.
“My quarantine buddy and forever buddy. In my everyday prayers, I always thank God for keeping her alive and well and giving me the best life partner I can have; from Zumba, to K-drama debriefs, and serious life talks. I love you so much. Happy Mother's Day and thank you to all the mamas out there,” post pa ni Ina.