Next year ay magka-college na ang panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas at mag-aaral raw ito sa Amerika. Kaya ngayon pa lang ay nagiging emosyonal na ang aktres kapag naiisip ito.
“Iniisip ko na, na next year, si Lorin, baka mag-aral na abroad,” ani Ruffa nang makatsikahan namin via Zoom last Thursday, “because gusto niya mag-aral abroad, so ngayon pa lang, I’m already feeling separation anxiety, hindi pa nga nangyayari.”
When asked kung napag-usapan din ba nila ng tatay nina Lorin and Venice na si Yilmaz Bektas ang tungkol dito at kung may communication ba sila ng ex-husband, natawa kami sa sagot ni Ruffa.
“With regards to Yilmaz, thank you for your sperm. That’s all he’s ever donated, you know. But I’m the sole provider of Lorin and Venice, and you know, ako ang nagpalaki sa kanila, so I make the decisions. And since wala naman siyang contributions sa pagpapalaki sa kanila, I don’t need to inform him of what happens to the girls,” pahayag ni Ruffa.
Pero kung gusto raw ni Yilmaz na magbigay ng oras, effort, emotional support or kahit financial support pa ay okay naman sa kanya.
Paminsan-minsan ay tumatawag naman daw si Yilmaz pero nauuwi raw lagi sa hindi maganda ang kanilang pag-uusap.
“The issue kasi is he’ll always promise to come and visit, and then, hindi naman siya pumupunta. He wants us to visit Turkey, so sabi ko, ‘I don’t think it’s the right time for us to visit Turkey. If you want, puwede tayong magkita sa Amerika, puwede tayong magkita sa Pilipinas, pero hindi ko puwedeng dalhin ‘yung mga bata sa Turkey especially since they’re not yet of legal age,'” sey niya.
Samantala, masaya naman si Ruffa na kahit pandemya ay sunud-sunod ang kanyang proyekto’t parating nasa locked-in taping. After Love Thy Woman, ginawa niya ang The House Arrest of Us with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo na mapapanood na ngayong Sabado (Oct. 24) sa KTX.
This Sunday naman ay magsisimula siya ulit ng bagong serye, this time under TV5 naman, ang Stay In Love with Maris Racal and Kokoy de Santos. They will be in a locked-in taping sa Antipolo for 2 ½ weeks.
“Suking-suki na ako sa locked-in. Hindi ko na tinatanggal ang mga gamit ko from my maleta, from my cooler, naka-ready na lahat,” natatawa niyang sabi.
Pati nga sa swab test ay suking-suki na siya dahil naka-ilang test na raw siya since required talaga ito before and after the locked-in taping.
Mahirap daw at sakripisyo talaga ang magtrabaho under the new normal pero iniisip na lang niya na para siyang OFW na tinitiis ang malayo sa pamilya para kumita ng pera. Sila nga raw ay weeks lang pero ang mga OFWs ay taon ang binibilang para makasama ulit ang pamilya.
“So, kung sila, kaya nilang tiisin ‘yun, bakit hindi ko kayang tiisin na 2 weeks lang akong mawawala para makapagtrabaho ako for my family. So, kahit mahirap, tinitiis kasi kailangan,” aniya.