top of page
Search

Nitz Miralles / Bida

Kabilang sina Kapuso stars Janine Gutierrez at Solenn Heussaff sa mga celebrities na nananawagan na ibasura ang Anti-Terrorism Bill at pumirma sa petition.

Tweet nina Solenn at Janine, “Junk the Anti-Terrorism Bill and Uphold Human Rights.”

Dahil sa tapang daw ng pagpapahayag ng paniniwala, pinuri na naman si Janine na in fairness, laging nagri-react kapag may mga nangyayari sa bansa na sa paniwala niya ay hindi makakatulong sa sambayanan.

Part ng post ni Janine sa Instagram, “I asked in a poll if you’ve heard of the Anti-Terrorism Bill in the Philippines and about half haven’t, so as a small community here, I would love to share with you what I’ve gathered from other sources. We can help each other understand the things going on around us and look out for each other and our future in the process. #JunkTerrorBill.”

As expected, may pumabor kay Janine at meron ding kumontra sa kanyang paniniwala. Sa mga nagtatanong, ang sagot ni Janine, nag-research siya kaya alam niya kung ano ang tama at mali.

 
 

Nitz Miralles / Bida

Ang talas ng mata ng mga netizens dahil nabasa agad ang message ni Apl.de.Ap kay KC Concepcion sa IG Live ng aktres kung saan tinuruan siya ni Judy Ann Santos kung paano magluto ng Seafood Curry nu'ng Linggo.

Pati ang pagtawag ni Apl.de.Ap ng "Chef KC” sa anak ni Megastar Sharon Cuneta, nabasa rin nila. Ibig sabihin, nanood si Apl sa IG Live ni KC.

Habang naghahanda sa pagluluto, nabanggit ni KC na wala siyang tenderizer, at agad nag-post si Apl ng “I will send you a tenderizer.”

O, 'di ba, ang bilis ng reaction?

Wish ng mga fans ni KC, malaman nila kung tinotoo ni Apl.de.Ap ang pagpapadala ng tenderizer sa aktres.

Speaking of KC, nabanggit nito na gusto niyang maging light, breezy, airy at clean ang bahay niya, kaya mag-i-spring cleaning siya.

“Clearing out my walk-in closet, pantry, kitchen, living room, bedroom - to see what I need to keep, give out, sell, or throw away... Maybe it’s time for another garage sale?” post ni KC na karamihan sa mga sagot, magpa-garage sale siya.

 
 

Nitz Miralles / Bida

May matinding buwelta si Solicitor General Jose Calida kay Coco Martin at sa iba pang Kapamilya stars na naglabas ng kani-kanilang saloobin sa social media sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN nu'ng May 5.

Sa kanyang opening statement sa ginanap na hearing kahapon sa Senado kaugnay ng renewal of franchise ng ABS-CBN, tinira ng SolGen ang mga artista ng Dos, partikular na si Coco Martin dahil sa pagiging emosyonal nito at pagsasalita ng laban sa gobyerno.

Bukod kay Coco, matatandaang nagsalita rin sina Kim Chiu, Angel Locsin, Judy Ann Santos at iba pang Kapamilya stars.

Parte ng pahayag niya, “For the past few days ever since ABS-CBN supposedly went off the air, their stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceive to be oppression on the part of the government."

Sinabi rin niyang desperado na ang mga ito na maibalik ang ABS-CBN sa pag-ere kaya ginagamit ang kasikatan para magpaawa at makakuha ng simpatya sa kani-kanilang mga fans na suportahan ang network.

Special mention din ni Calida si Coco na nagsabi raw sa kanya sa #LabanKapamilya Facebook Live ng… "Kapag ang pamilya ko, kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako nang patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.'"

May sagot din si Calida sa hirit ni Coco na tinatarantado ng SolGen at ng NTC ang mga Pilipino sa pagpapasara sa ABS-CBN dahil hindi nakapag-renew ng prangkisa, pero nag-sorry din ang aktor pagkatapos sabihin 'yun.

Resbak niya sa bida ng Ang Probinsyano, “He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado.

"Coco Martin’s outburst showed a clear lack of understanding of the situation.”

Pahabol pa ni Calida, “If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”

Hintayin natin kung mapagri-react pa ni SolGen Calida si Coco dahil sa mga banat niya sa aktor at sa iba pang Kapamilya stars.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page