Nitz Miralles / Bida
Confirmed na sa isang condominium sa Makati area nakatira sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo dahil sa post ni Karen Davila na kapitbahay niya ang bagong kasal. Sa mga nakakaalam ng address ni Karen, alam kung saan siya nakatira, hindi na natin kailangang isulat pa.
Nagkita-kita sina Karen, Matteo, Sarah at Mr. Vic del Rosario at nagpakuha ng litrato na ipinost ng una. Ang caption nito sa photo ay: “Kapitbahays! Newlywed Happiness.”
Kaya pala within Makati area at minsan, sa Taguig City nakikita sina Matteo at Sarah na nagsa-shopping para sa kanilang bahay.