Dahil sa tumitinding coronavirus (COVID-19) sa South Korea, kani-kanyang paraan ng pagtulong sa kanilang mga kababayan ang mga celebrities ng nasabing bansa.
Bukod sa pagdo-donate ng malaking halaga, ang ibang artista na nagmamay-ari ng mga paupahang properties ay nagbaba ng renta para makapagbigay ng relief sa kanilang mga tenants.
Ayon sa report ng Soompi, sina Won Bin at Lee Na Young ay ibinalitang nagbaba ng 50% ng kanilang paupahang building ngayong March and April.
Ang sikat na aktres na si Jun Ji Hyun ng My Love From The Star and Legend of the Blue Sea ay nagbaba naman ng 10% sa renta ng kanyang building located in Gangnam District ngayong March and April also.
Pero walang tatalbog sa aktres na si Park Eun Hye dahil hindi raw siya mangongolekta ng rental ngayong March sa kanyang mga tenants.
Ang iba pang celebrity landowners na nagbaba ng renta ay sina Hong Suk Chun, Seo Jang Hoon at ang mag-asawang Rain and Kim Tae Hee.
Ang Korean superstar naman na si Lee Seung-Gi ay nag-donate ng 100 million Korean won (around P4 M) for the prevention of corona virus.
“I decided to make a donation in hope that needy children in Daegu and North Gyeongsang Province will be safe and protected,” pahayag ni Lee Seung-Gi na huling napanood sa Korean drama na Vagabond.
Ang iba pang South Korean stars na nag-donate ay sina Lee Min Ho, Hyun Bin, Gong Yoo, Son Ye Jin, Park Shin Hye, IU, Shin Min Ah, Lee Byung Hun, Bae Suzy, Kim So Hyun, Park Bo Young, Astro’s Cha Eun Woo, Sunmi, Lee Young Ae, Park Seo Jun, at marami pang iba.
As of March 6, ayon sa report ay nasa 6,284 na raw ang confirmed cases of infection sa SoKor.