
Trending agad ang inilabas naming item sa online showbiz news portal na Showbiz Blah tungkol kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na susunod na magpapakasal ngayong 2020.
Siyempre, ang KathNiel pa rin naman kasi ang hottest and solid na love team sa ‘Pinas, kaya abang to the max talaga ang mga fans nila on any news about them, much more ang tungkol sa wedding nila.
Kilig much siyempre ang KathNiel fans if true na sasakay na rin sila sa bandwagon ng mga showbiz couples na nagpakasal at magpapakasal ngayong 2020.
Pero tingin namin, malabong may maganap na wedding kina Daniel at Kathryn this year. Ang dami nilang naka-line-up na projects. At miss na miss na ulit silang mapanood ng kanilang mga fans on screen dahil matagal na rin naman nu’ng huli silang nagtambal sa pelikula at teleserye.
Unless, mag-a-ala-Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo secret wedding din sila, huh?Pero parang ‘di naman nila kailangang magpa-secret wedding kasi aprub naman sina Momshie Karla Estrada at Mommy Min sa relasyon nina Daniel at Kathryn. Plus, may kani-kanyang pera at negosyo na rin naman ang dalawa, habang stable na rin ang kani-kanilang pamilya.
Anyway, bukod kina Daniel at Kathryn, inaabangan na rin ng publiko ang wedding ng aktres na si Angel Locsin sa businessman na si Neil Arce.After nina Angel at Neil, let’s see kung sino ang unang magpo-propose ng marriage sa mga magkasintahang sina Maja Salvador-Rambo Nuñez, Maine Mendoza-Arjo Atayde at Kim Chiu-Xian Lim.