
Dahil sa pag-iingat na hindi maging biktima ng Coronavirus, stay na lang sa house ang marami nating kababayan at watch na lang ng favorite shows nila on TV.
Ilang araw din naming natutukan ang mga palabas sa TV lalo na ang dalawang noontime shows sa magkabilang network. Ang weird lang nu’ng live sila pero walang audience. Tapos, ‘yung mga hosts, harutan nang harutan at nagtatakbuhan sa area ng audience na mga upuan lang ang makikita.
Ang host ng It’s Showtine na si Vice Ganda, nag-post na sa kanyang social media account tungkol sa “walang pipol” from “madlang pipol.”
Siyempre, safety first nga naman, ‘di ba?
Speaking of ABS-CBN, days ago ay may kumalat na news sa social media na magla-lockdown diumano ang network. Kasama kasi ang Kyusi sa mga lugar sa Metro Manila na nagkaroon ng COVID-19 patient.
Pero pinabulaanan naman ito ng mga kilala naming taga-ABS-CBN. In fact, nu’ng mapasyal kami kahapon (Huwebes) sa Kapamiilya Network, hindi naman sila naka-lockdown.
Kaya lang, nu’ng papasok na kami sa entrance, hindi kami pinapasok. May mga tinanong sa amin and then, hinanapan kami ng ABS-CBN ID. ‘Yung mga empleyado na lang daw ang pinapapasok nila sa loob ng ELJ Building.
Pagkatapos, may narinig kaming balita na magla-lockdown ang ABS-CBN later that night. So, tinext agad namin ang ilang kakilala namin sa ABS-CBN. Hindi raw true. Unless buong Metro Manila ang ipa-lockdown, siyempre, susunod sila.
Nakampante naman kami sa sagot ng kilala naming Kapamilya employee.
Kalurky lang, kung kailan mukhang malaki ang pag-asa na ma-renew ang franchise nila at in-extend na ng NTC (National Telecommunication) ang permit nila to operate ‘til June, saka naman may ganitong balita ng lockdown.
Ano ba ‘yan?