![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_6fa5665d98804b5fa6861b61487221d2~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_6fa5665d98804b5fa6861b61487221d2~mv2.jpg)
Bukod sa mga Miss Universe na sina Pia Wurtzbach and Catriona Gray, aktibo rin sa pamamahagi ng tulong sa ating mga frontliners ang reigning Bb. Pilipinas-International 2019 at Top 8 sa Miss International 2019 na si Atty. Patch Magtanong.
Tulad ni Pia, matalino and "confidently beautiful with a heart" din si Atty. Patch. Busilak din ang kanyang puso na handang tumulong sa kapwa sa gitna ng pandemya.
Ipinost ni Atty. Patch sa kanyang Instagram account ang mga donasyon niyang PPE.
Caption niya sa photo: "PPEs delivered to the National Center for Mental Health and the Philippine Children’s Medical Center through @pandaybayanihan. Thank you @sengracepoe and @heyitsbrianpoe!"
Nagpaabot si Atty. Patch ng mga personal protective equipment (PPE) para sa mga frontliners ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na kumakalinga sa mga batang dinapuan ng Corona Virus Disease.
Ipinadaan ng Miss International 8th runner-up ang mga PPEs sa pamilya Poe.
Kaibigan ni Atty. Patch ang anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe Llamanzares, na siya namang nagtungo sa PCMC upang iabot ang mga PPE na may kasamang face masks at alcohol.
Nakilala ni Brian si Atty. Patch sa pamamagitan ng pinsan niyang si Dr. Kristine Rioflorido na dentist at modelo.
Sa Facebook page naman ni Sen. Grace ay naka-post ang mga donasyong PPE ni Atty. Patch.
Pinasalamatan ni Sen. Grace ang fellow University of the Philippines (UP) alumna na si Atty. Patch.
“I’d like to thank my fellow UP alumna, Bb. Pilipinas International 2019 Atty. Patch Magtanong for her donation of PPEs. Through donors like Patch, we are able to help more hospitals in need,” pahayag ng senadora.
Sa kanyang pinakahuling video post sa Facebook, masayang ibinahagi ni Sen. Grace na nakapamahagi na ang kanyang pamilya, sa tulong ng mga kaibigan, ng 1,290 na PPE, 1,979 sako ng bigas, galun-galong alcohol, mga gloves, at ayuda sa mga frontliners.
We heard, may plano raw sumali si Atty. Patch sa Miss Universe Philippines 2021.
Siya na kaya ang susunod na Pinay na makokoronahan bilang Miss Universe after nina Pia and Catriona?