![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_1499fc1de1e943868a4bf6e08ee58a2c~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_1499fc1de1e943868a4bf6e08ee58a2c~mv2.jpg)
Nagulat ang mga netizens sa ipinost na piktyur ng Kapamilya star na si Joshua Garcia sa kanyang Instagram account.
"Haggardo Versoza" ang mukha ni Joshua sa piktyur at payat tingnan sa suot niyang black t-shirt na may collar habang nakapatong sa dibdib ang kanyang kanang kamao.
Sa ilalim ng piktyur niya sa IG ay ang caption na: "#LabanKapamilya#NotoABSCBNShutdown."
Mabilis ang reaction ng IG account followers ni Joshua sa pagpansin sa kapayatan niya ngayon.
At the same time, may mga tagahanga rin si Joshua sa kanyang IG account ang nabahala sa hitsura niya sa piktyur especially ang JoshNella fans ng love team nila ni Janella Salvador.
Comment ng isang may account name na neneberry, "Ang payat mo sobra… saan na ang dating baba… punumpuno ng kaguwapuhan?"
Sagot naman ng isang follower ni Joshua sa IG, "Siyempre, madami siyang trabaho nu'ng bago mag-lockdown, sunud-sunod saka napupuyat siya kaka-games, halos madaling-araw na siya natutulog."
Sa previous interviews kay Joshua ay inamin naman niya na naglalaro siya ng kinababaliwan ng mga kalalakihan ngayon, ang computer game na ML (Mobile Legend).
Say naman ng isa pang netizen, "Nagpapapayat kasi 'yan dahil nag-practice para sa movie."
Eto pa ang ibang comments, "Hindi healthy ang puro games, dapat ingat din at alagaan ang katawan :( I hope Josh, mapansin niya?"
"Matagal na siyang nagpapapayat. Napuyat din siguro sa kaka-computer."
"Wala pa namang taping, eh, dapat nagpa-chubby muna siya nang konti."
Hindi kaya may nami-miss lang si Joshua?