top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Sino kaya ang pinatutungkulan ni Alden Richards sa kanyang Twitter post na… “Never regret being a good person to the wrong people. Your behavior says everything about you. And their behavior says enough about them.”

Tuloy, nagtanong ang mga netizens kung sino ang kaaway ni Alden. “Ano na naman ang problema n’ya? Nu’ng nakaraan, bait-baitan sa tweet.. Ngayon naman, may inaaway na. Ano ba talaga kuya.”

Nilagyan pa raw talaga ng Kapuso actor ang tweet niya ng “@RealTalk.” Ayon sa panig ni Alden, alam daw ng mga ito kung sino ang tinutukoy ng Kapuso actor. Sabi naman ng iba, “Ang hilig niyang mag-post ng mga quotes, ‘no? Medyo turn-off."

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Sa Tonight with Boy Abunda kamaka­ilan ay nilinaw ni Ivana Alawi ang kuma­kalat na isyu sa kanila ng actor-politician na si Congressman Dan Fernandez.

Idinenay niya na may relasyon sila ni Dan dahil womanizer daw ang congressman ng Sta. Rosa, Laguna.

Ang hanap daw niya ay isang lala­king tapat magmahal at loyal sa kanya.

Tahasang sinabi ni Ivana sa King of Talk na si Boy Abunda, “No, we’re friends. Yes, I won’t deny it, we go out with friends. Pero we’re not romantically involved. No! Kasi babaero siya, ayoko ng babaero, please, ‘wag na! Ayoko ng ganu’n, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one.”

Sinabi pa ng sexy actress na single siya ngayon dahil na-trauma raw siya sa huling nakarelasyon niya.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nagustuhan ni Frankie Pangilinan ang larawan ni Justin Bieber na itinag sa kanya ng isang netizen mula sa post ni @Pop Crave.

Ang caption na inilagay ng netizen sa itinag nitong post: “‘Yung sa Nido with Frankie Pangilinan.”

Ang caption naman sa post ni Pop Crave na photo ni Bieber: “In honor of @JustinBieber’s 26th birthday, tell us your favorite song by the Megastar!”

Para sa anak ni Sharon Cuneta, insulto sa kanya ‘yun kaya sinagot niya si @Pop Crave. Aniya, “Stop tagging me in this.”

Ang alam lang daw kasi ni Frankie ay ang ina lang niyang si Sharon ang tinatawag na ‘Megastar.’ Pero ang tinutukoy ng netizen na Megastar ay si Justin at hindi si Sharon.

Saad pa ni Frankie, “Shawie could do Yummy but Justin could never do Bituing Walang Ningning and that’s the last I’ll sat of it goodnight.”

Sey naman ng isang netizen, “It’s called sarcastic humor. She loves her mama and dada.”

Dagdag pa ng isang netizen, “Pinoys are having fun with it and tagging her. Maybe she should not take it too seriously. BUT, she’s implying na exclusive sa Nanay niya ang moniker na ‘Megastar’.

“Unfortunately, malaki ang mundo at sana, matutunan ni Frankie na porke’t ‘yan ang turing ng iba sa nanay niya, eh, siya lang ang exclusive na puwedeng gumamit ng word na ‘yan.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page