top of page
Search

Claudine, dedma sa pagpapasara sa Dos, tinawag na walang utang na loob ng netizens

Tanong ng netizens, bakit daw nananahimik si Claudine Barretto? Hindi raw nila nakikitang sinusuportahan ng aktres ang ABS-CBN nang biglang ipasara ito ng NTC nu’ng May 5, 7:52 PM.

Kahit nu’ng ipinaglalaban ng mga taga-ABS-CBN at ibang artists ng network ang franchise na humantong pa sa Senado ay tahimik lang din daw ang aktres.

Sa isang post ng Optimum Star sa kanyang Instagram account, komento ng isang netizen, “How dare you not showing any support for ABS-CBN! Walang utang na loob!”

Agad namang sumagot ang 40-year-old actress ng, “How dare you too?”

Ang mga fans naman ni Claudine ang sumagot on behalf of her.

Anila, “I salute Ms. Claudine for being silent about ABS-CBN shutdown.. Mas okay manahimik na lang kesa magsalita.. I know in Claudine’s heart.. malungkot din siya sa nangyari pero mas magandang manahimik na lang.. love you Clau.. you’re still my idol and my best actress.”

“Law is law, no one is above the law…. Mas okay nang tahimik.”

Si Claudine ay matagal namalagi sa Kapamilya Network and after awhile, lumipat sa Kapuso Network.

Hindi siya nagtagal sa GMA-7 at bumalik muli sa dating home studio, ang ABS-CBN.

Nitong pagpasok ng 2020, may mga projects na dapat siyang gagawin pero dahil nagkaroon ng enhanced community quarantine, pansamantalang nahinto ang mga proyekto.

♥♥♥

Mayor Goma, nambara ng taga-gobyerno dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN

Viral sa social media ang sagot ni Ormoc Mayor-cum actor Richard Gomez nang hingan ng reaction hinggil sa ABS-CBN shutdown.

Ang mismong nagtanong kay Mayor Goma ay si PCOO Usec. Rocky Ignacio.

Tanong ni Usec Rocky, “Ano po 'yung mensahe naman ninyo doon po sa network at mga kapwa artista n'yo doon sa nangyari sa ABS-CBN?”

Sagot ni Mayor Gomez, “Naku, baka mas maganda yata na kayo ang sasagot niyan dahil kayo ang nasa gobyerno na nagpahinto sa pag-broadcast ng ABS-CBN.”

Shocked si Usec. Rocky sa sagot ng aktor-pulitiko.

Dahil kita sa TV ang facial expression ni Usec. Ignacio sa sagot ni Goma, ang daming komento ng mga netizens sa kanya at anila, “Kanta bayan? BURNNNN this way hahahhaha@PTVph Interview pa more.”

“Naku USEC, ilang laway ba ang nalunok mo at natigilan ka sa sinabi ni Mayor Goma?”

“Arayyyy ko tagos talaga.”

“Ahaha, ito 'yung moment na nakangiti ka pang nagtanong pero pahiya sa isinagot, but kahit pahiya, nakangiti pa rin, mukha namang plastik.”

“Kawawa naman si Usec... Masakit kaya sa lalamunan ang pagpigil na lunok ng laway!”

“Biglang nag-iba 'yung mukha, back to you boom! Hahaha... .Goma.”

Naniniwala si Richard na pansamantala lang ang shutdown ng ABS-CBN.

Nananawagan din siya sa gobyerno na isyuhan na ng provisional permit ang Kapamilya Network para makabalik na sila sa ere.

♥♥♥

Daniel, binantaan ang mga kaibigang sobrang saya pa sa pagsasara ng Dos, hinding-hindi raw makakalimutan

May post si Daniel Padilla na isang babala para sa mga taong malalapit sa kanya.

Ani Daniel, “Sa mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ko dito na ginagawang katatawanan ang nangyayari ngayon dito sa ABS-CBN, 'wag kayong mag-alala dahil HINDI AKO NAKAKALIMOT.”

Nag-second the motion naman ang kanyang ina na si Karla Estrada sa mismong account niya.

Sey ni Karla, “Oo, ako rin anak. Bilog ang mundo at lahat ay lumilipas, nakikita ni LORD lahat 'yan (with prayer emoji).”

Sey naman ng isang netizen, “Ibig sabihin, hindi na makakahingi sa kanya. Tama lang sinabi ni Daniel. Trabaho niya 'yung naapektuhan, eh. His friends laughing at the shutdown of ABS-CBN also means they're laughing that Daniel lost his job.”

Kaya siguro nakapagsalita ang mag-ina ng kanilang sentimyento ay dahil baka may naririnig o nakikita silang pinagtatawanan ng mga taong malalapit sa kanila ang nangyaring shutdown ng ABS-CBN.

Komento pa ng ibang netizens, “Hindi naman magsasabi ng ganyan si DJ kung wala siyang nakita. Mabait si DJ at madaling lapitan lalo na kung kailangang-kailangan, hindi ka magdadalawang-salita d'yan.”

“Masakit nga naman kung ang mga taong tinulungan mo ang siya pang hindi susuporta sa ‘yo.”

♥♥♥

Erwan at Nico, patalbugan sa pa-Mother’s Day greetings kina Anne at Solenn

First time na nag-celebrate ng Mother’s Day ang maghipag na Anne Curtis at Solenn Heussaff.

Si Erwan Heussaff na mister ni Anne ay brother ni Solenn.

Parehong may mensahe ang kanilang mister na sina Erwan at Nico Bolzico para sa Mother’s Day.

Isang video ang ipinost ni Erwan kung saan nagsasayaw ng waltz si Anne sa instrumental version ng A Dream Is A Wish Your Heart Makes mula sa Disney movie na Cinderella.

Kalung-kalong ni Anne ang baby nilang si Dahlia Amelie kung saan na-witness ni Erwan ang intensity of a mother’s love habang isinasayaw ni Anne ang kanilang anak.

Ang mensahe ni Erwan, "I keep thinking that I see you at your happiest, but I still get proved wrong every day.

"I never truly understood the intensity of a mother's love, because I don't remember being a newborn, but now I know it looks something like this.

"A quiet little dance, eyes locked on each other, completely oblivious to your surroundings.

"You're such a natural mom @annecurtissmith. Happy 1st mother's day."

Binigyan din si Anne ng Mother’s Day cards ng kanyang ina at brother na si Thomas kalakip ang napakagandang bouquet.

Ang husband naman ni Solenn na si Nico ay may Mother’s Day letter sa kanya on behalf of their baby Thylane Katana.

Isa ring video kung saan pregnant pa si Solenn until Thylane came out hanggang sa present days na magkakasama na silang tatlo ang ipinost ni Nico. Kunwari ay si Thylane ang nagsasalita, umpisa ni Nico… "Hi Mama, how are you?

"El Padre told me today is your special day so I prepared something for you."

Pagpapatuloy ni Nico as Thylane, "I know I was not an easy baby when I was in your belly, but I was just a little scared, that's all.

"But we still had some fun as a family.

"But you were so brave mama.

"Always assuring Papa that everything was going to be fine.

"Today is your special day, but to me, every day is special with you.

"You gave me my life, but that is nothing in comparison with the love and caring I received from you every day.

"Thanks for being the best mama in the world and for always taking care of Papa and me.

"We love you so much. Happy First Mother's Day!”

Pareho namang na-amaze sina Anne at Solenn sa inihandang Mother’s Day greetings ng kani-kanilang mister. At very lucky daw sila dahil sobrang grateful pala ang maging isang ina lalo na raw kapag dumarating ang ganitong okasyon.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Inamin ng foreign actor na si Tom Hanks na po­sitive sila ng asawang aktres na si Rita Wilson sa uso ngayong Coronavirus Disease.

Ang mag-asawa ay nasa Australia para sa pre-production ng Elvis Presley film under Warner Bros.

Ang role ni Hanks sa movie ay bilang long-time manager ng icon singer na si Colonel Tom Parker.

Ayon sa statement ni Hanks, “Hello, folks. Rita and I are down here in Australia. We felt a bit tired, like we had colds, and some body aches.”

Dagdag pa ng award-winning actor, “Rita had some chills that came and went. Slight fevers too. To play things right, as in needed in the world right now, we were tested for the Coronavirus, and were found to be positive.

“Well, now. What to do next? The Medical Officials have protocols that must be followed. We, Hanks, will be tested, observed, and isolated for as long as public health and safety requires. Not much more to it than a one-day-at-a-time approach, no?

“We’ll keep the world post­ed and updated. Take care of yourselves! – Tom Hanks.”

Ang celebrity couple ang unang umamin sa publiko na sila ay positibong na-diagnose for COVID-19.

Samantala sa update ng mag-asawa. Huwebes ng gabi, pasasalamat sa lahat at sa mga nag-alaga habang sila ay nakikipaglaban sa virus. "Hello folks. Rita Wilson and I want to thank everyone here Down Under who are taking such good care of us. We have Covid-19 and are in isolation so we do not spread it to anyone else," he said.

Samantala, maging ang seasonal game ng NBA (National Bas­ketball Association), sinus­pinde na rin matapos magpo­si­tibo sa COVID-19 ang Utah center Jazz player na si Rudy Gobert.

Ayon sa pamunuan ng Jazz team, si Gobert ay nasa panga­nga­laga ng health officials sa Okla­homa City.

Dapat sana ay may game ang Utah Jazz at ang Oklahoma City Thunder, pero dahil positive si Gobert sa CO­VID-19, ang dalawang teams ay naka-quarantine.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Sinabihan si Angeline Quin­to ng netizen na ‘wag maging choosy dahil hindi naman daw kagandahan ang singer.

May ipinost na quote card si Angeline sa kanyang socmed account na: “One day you will find someone who is willing to try. That person will stay.”

Nilagyan niya ito ng caption na: “#Thankyou­Lordforeverything.”

Komento naman ng netizen, “Paano ba naman? Ang tagal kang sinuyo ni Erik kaso binasted mo. Arte much?

“Don’t be choosy kasi hindi ka naman kaganda­han.”

Sinabi pa ng netizen na ‘wag siyang maghanap ng Brad Pitt kung hindi naman daw siya si Angelina Jolie.

Sinabihan ni Angeline ang netizen na tumigil dahil hindi naman daw nito alam ang tunay na nangyayari sa kanila ni Erik Santos.

Sabi ni Angge, “Kalma. Wala po kayong alam.”

Sarkastikong dugtong pa ni Angeline: “Mag-ingat sa corona at ‘wag puro chismis, Dai.”

Nabalita kasi noon na naging malapit sa isa’t isa sina Erik at Angge (pet name ng singer).

Boto raw kasi ang netizen sa kanilang dalawa ni Erik. Nanghinayang siya dahil hindi nagkatuluyan ang dalawa.

Nasabi na dati pa ni Angge na hanggang MU lang sila ni Erik. Hindi raw sila dumating sa punto na committed sa isa’t isa dahil mas priority niya noon ang kanyang career.

At that time rin daw, sinasabi ni Erik na gusto na niyang mag-asawa, siya lang ang umaayaw

 
 
RECOMMENDED
bottom of page