Beth Gelena / Bulgary Files
Kahit sinabihan ng netizens na batiin na para
bati-bati na… Matteo at Sarah, dedma kay mommy divine nu'ng Mother's Day
Nagtatanong ang mga netizens kung binati raw ba nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ng
"Happy Mother’s Day" si Mommy Divine, ang ina ng Popstar Royalty.
May post kasi si Matteo sa kanyang Instagram account na sweet Mother’s Day greetings para sa kanyang ina.
Sabi nito, “Dear Mama, Happy, Happy Mother’s Day! We love you so much! Thank you for being a Wonder Mom! You make the impossible possible! Thank you for the unconditional love and all the sacrifices you have done for all of us. WE LOVE YOU! Stay beautiful!”
Samantala, si Sarah naman na hindi na masyadong active sa social media since ikinasal sila ni Matteo last February 20 ay may ibinahaging art card sa mismong IG account niya.
Quote mula kay Agatha Christie: “A mother’s love for her child is like nothing else in the world.”
Kaya nagtatanong ang mga netizens kung binati rin daw ba ng mag-asawa, lalung-lalo na ni Sarah, ang inang si Mommy Divine.
Heto ang komento ng mga netizens para kay Matteo, “Idol Matteo, batiin mo rin ang mama ng wife mo para magkasundo kayo.”
“Oo nga naman, batiin mo rin si Mommy Divine… siya pa rin naman ang mommy ni Sarah. Cheers! God bless.”
“Matt, batiin mo naman 'yung mother-in-law mo para maging maayos na kayo… Ang sinumang nagpapakumbaba ay itataas ng Panginoon, Matt. Love you, Matt and Sarah.”
***
IVANA, GINAMIT NI RAFFY TULFO PARA KUMITA, PINALAGAN NG NETIZENS
Nakatuwaang i-good time ng programa ni Raffy Tulfo ang sexy actress na si Ivana Alawi.
Kinontak ng staff ni Raffy si Ivana para mag-guest sa programa ng batikang newscaster.
Ang akala ni Ivana ay iinterbyuhin siya kaya naghahanap siya ng script. Na-prank ang Kapamilya actress dahil may nagsumbong daw sa kanilang programa na ang ibinigay niyang relief goods ay mga ‘expired’ na.
Hindi makapaniwala si Ivana. Hindi raw siya bumibili ng basta-basta para makamura lang.
Tinanong ni Raffy kung magkano ang nagastos ni Ivana sa relief goods na ipinamigay niya.
Ani Ivana, "Mga P800K po."
Saka sinisiguro ng sexy actress na hindi expired ang kanyang mga pinamili dahil sa mismong kumpanya raw niya kinuha ang mga de-lata.
Sa prank, inireklamo si Ivana ng isang nagngangalang Loida, na ang nakain daw niyang sisig ay may amoy na. Ang bigas na isinaing ay hindi raw maganda kaya nang kainin niya ay sumama raw ang kanyang tiyan. Hinihingan niya si Ivana ng P200 K bilang kabayaran sa damages na naidulot ng mga ipinamigay ni Ivana.
Halos maiyak si Ivana, pero sinabi niyang tutulungan niya ito.
“Sir Raffy, iso-shoulder ko na po ang pagpapagamot at bibigyan ko rin siya ng konting tulong, pero ang manghingi ng P200K, parang 'di naman po tama ‘yun."
Magdemanda na lang daw ang nagrereklamo laban sa kanya.
Ani Ivana, kung hindi raw matatanggap ang tulong na maiaabot niya, di magkita na lang sila sa korte. Pero ang magbigay ng P200K, hindi naman daw niya obligasyon na ipagpatayo ng bahay ang nasabing nabiktima ng kanyang ipinamigay na ‘relief goods.’
Paniwalang-paniwala na si Ivana na ang naipamigay niyang goods ay mga expired na kaya halos maiyak na siya.
Bandang huli, bumigay na rin ang grupo ni Raffy at sinabing prank lang ‘yun.
Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa ng programa sa aktres.
Anila, “Hindi nakakatuwa 'yung prank. Na-stress si Ivana. At puwede ba, siya 'yung pinakasosyal at mahal na relief bag na ibinigay. P800K is no joke.”
“Ginamit pa si Ivana. Dati nanonood pa 'ko rito. Kaso naging commercialized na. Secondary na lang pagtulong kuno. More on views na.”
“It’s commercialized since the very beginning. You think ginawa 'yan para talaga tumulong lang?
Haha! Nagoyo ka. Si Tulfo pa ba? Inaabuso ang kahirapan ng mga masa.”
“Sobra si Tulfo. Just to get more subscribers. Gagawin kahit ano. Kawawa si Ivana.”
May nagsasabing may kita rin naman daw si Ivana dahil YouTuber siya.
Sabi naman ng iba pang netizens, “Paanong may kita si Ivana, eh, channel ni Tulfo 'yan? Ni hindi nga alam ni Ivana na pinagtripan siya for almost an hour. This is not a fun video but you can feel Ivana's sincerity to help.”
“Imagine being in that stressful situation for an hour. Sakit sa dibdib nito. Naawa naman ako kay Ivana.”
***
MAGLO-LAUNCH ng online reality talent show si Matteo Guidicelli titled The Pop Stage kung saan siya rin ang magho-host in partnership with Viva Artists Agency.
Ang nasabing online show ay chance na para sa mga talented people na ipakita sa buong mundo ang kanilang mga talento at magkakaroon pa sila ng oportunidad na mag-viral.
“This is to make them legit,” ani Matteo.
Hindi lang din daw talent ang maipapakita ng mga sasali kundi ang pagiging creative ng mga contestants.
Esplika ni Matteo, “When we have our normal shows, we have our directors and professional staff.
Now, it is you shooting your own material. We want to see your creativity. It’s very real and organic.
That’s what’s exciting about this. It’s not professional, it’s just your own creativity.”
Ang mechanics para makasali sa The Pop Stage ay open para sa lahat — solo or group performers with a maximum of four members aging between 13 to 25 years.
I-send ang inyong video sa www.thepopstage.ph at ang deadline of submission ay May 27, 2020.
Ang mananalo ay makakakuha ng P1M cash at isang taong kontrata sa Viva Artists Agency.
Ang mga entries ng mga contestants ay idadaan sa deliberation mula sa panel ng mga judges at ang suwerteng mapipili ay ipi-feature sa weekly shows na mapapanood sa The Pop Stage’s Facebook page at @thepopstage at sa Facebook page ni @matteog.
Ang ibang detalye ng talent show ay puwedeng i-check sa official website, Facebook page at Instagram page.
***
NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN kaugnay ng pag-apruba ng House Committee of the Whole na payagang muling umere ang Kapamilya Network habang dinidinig ang renewal ng prangkisa nito.
Ang nilalaman ng official statement ay…
"Malugod na tinatanggap ng ABS-CBN ang pag-apruba sa House Bill 6732 ng House of Representatives Committee of the Whole na nagbibigay ng provisional franchise to operate hanggang Oktubre 2020.
"Nagpapasalamat kami sa liderato ng Kongreso at sa mga sponsor ng bill, sa pangunguna nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, sa kanilang pagkilala sa aming pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan pagdating sa balita, impormasyon, entertainment, at serbisyong publiko sa kritikal na panahon ngayon.
"Handa kaming sumailalim sa proseso ng franchise renewal at sagutin ang mga isyung nabanggit laban sa network, sa mga may-ari, sa management, at mga empleyado.
"Nananatili kaming bukas sa mga opinyon at suhestiyon na nakakatulong para mas mapabuti pa ang aming organisasyon at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.
"Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng tao at grupong nagpahayag ng kanilang pagmamahal at suporta. Kayo po ang aming inspirasyon. Maraming salamat."