top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Nagbubunyi ang mga Popsters dahil ang awiting Kilometro ni Sarah Geronimo ay ang nag-iisang OPM song na pasok sa Asia’s MTV Mood Playlist sa Spotify.

Five years and a half na nang i-release ang Kilometro ni Sarah, pero hanggang ngayon ay may dating at hatak pa rin sa pandinig ng mga music lovers.

Nag-uumapaw sa tuwa ang mga fans ng Popstar Royalty dahil dagdag na naman sa achievement ng kanilang idol bilang singer na pinatutugtog ng MTVAsiaPlaylist ang Kilometro ni Sarah.

“Kilometro as the only Filipino song in MTV Asia Spotify playlist? Queen Sarah G is really waving our OPM flag in the international scene, ladies and gentlemen!!!!”

“Tala is almost 134M views while KILOMETRO is on its way to 17M views. Power stream tayo.”

“So proud of this person! Achievements wise, name it, she has it! But never did she boast about it! A living proof that we can be humble despite our accomplishments!”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi pabor ang beteranang aktres na si Vivian Velez sa pagbibigay ng Kongreso ng probisyonal na prangkisa para muling umere ang ABS-CBN na ang tantiya ay sa darating na Hunyo hanggang October 31.

Shout-out niya sa kanyang social media account, "Congress providing ABS-CBN provisional franchise is illegal... Abolish Congress!"

May kasunod pang post si Vivian sa Facebook na isang larawan ng balimbing na prutas na mukhang patama kay House Speaker Alan Peter Cayetano.

Aniya: "Need I say more... Sino siya?"

Mukhang malaki ang galit ni Vivian sa Kapamilya Network dahil may kasunod pa siyang post ngayong May 14.

Aniya, "You don't give a pep talk to rally people behind you, then buckle down in the end. Keep your word! #yes2shutdown #no2oligarchs."

Very vocal naman ang beteranang aktres na DDS (Diehard Duterte Supporter) siya.

May post din si Vivian patungkol sa mga kongresistang nag-apruba ng provisional franchise ng ABS-CBN na, "To those morons yesterday... baka nakakalimutan n'yo na meron din nito."

Kung matatandaan, si Vivian ay minsan nang gumawa ng teleserye sa bakuran ng ABS-CBN. Nagkasama sila ni Cristine Reyes sa Tubig at Langis nu'ng taong 2016 kung saan nagkaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan habang umeere ang teleserye kaya nawala siya sa programa.

Sa ngayon, tumatayong director general ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang aktres matapos i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Pinasalamatan ng mga Kapamilya stars si House Speaker Alan Peter Cayetano at ang iba pang kongresista sa desisyon nilang mag-file ng bill para payagang makapag-operate uli ang ABS-CBN hanggang October 31 habang dinidinig ang renewal ng prangkisa nito.

Nangunguna sa pagpapasalamat kay Speaker Cayetano at sa mga kasamahan niya sa Congress sina Angel Locsin, Vice Ganda at Kathryn Bernardo.

“Thank you, Cong. Alan Cayetano and Congress for giving us a fair chance in court without shutting us down. Praying that the outcome will favor the Filipino people and enabling us to help during this crisis,” ani Angel.

Sey naman ni Vice, “Maraming salamat sa Kongreso! Malaking bagay po ito. Maraming salamat ulit!”

Sabi naman ni Kathryn, “Right now, thankfully, Speaker Cayetano files a bill granting ABS-CBN provisional authority. Here's to hoping things get better from here.”

Samantala, wala pang inilabas na pahayag sina Coco Martin at Kim Chiu sa pagpayag ng Kongreso na bumalik sa ere ang ABS-CBN. Kung matatandaan, sina Coco at Kim ang ilan sa mga nanguna sa pagpapahayag ng saloobin matapos maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Kapamilya Network.

Hopefully, bago dumating ang October 31 ay may final decision na ang Kongreso hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page