top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Pinanindigan na ni Korina Sanchez ang pagiging ‘Clapback Queen’ nang depensahan niya sina Coco Martin at Kim Chiu sa mga bashers at trolls.

Post ni Korina sa kanyang Instagram account, “Coco Martin and Kim Chiu are under attack from bashers. Majority of the bashers are paid trolls which supporters of this administration have heavily invested in. There’s a way to handle them. Engage or ignore. To engage is to simply speak back for everyone else to see what trash they are. Otherwise, deadma."

Sinabi pa niyang hindi man perpekto sina Coco at Kim sa kanilang sinasabi o pag-express ng nararamdaman ay tama naman at may punto ang ipinaglalaban ng dalawa.

“Their hearts are in the RIGHT place. Right meaning opposite of wrong. And you know what’s wrong? The ABS-CBN sudden – unceremonious, possibly illegal, immoral, sinister, unethical, despicable, abhorrent, inconceivable, wicked – closure. So, sa harap ng Batas ng tao o Batas ng

Panginoon, panalo si Coco at Kim. 'Yun lang. #TheLawIsDaLaw.”

May sumagot sa post ni Korina, “Sana po mag-aral na si Kim Chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya.”

Siyempre pa, ang sagot ni Koring, “'Wag kang BRUHA.”

Ayon naman sa isang netizen, hindi siya troll, pero aniya, naisip daw sana ng mga artista na public figure sila na iniidolo ng marami.

“Lahat ng mga sasabihin nila, may magri-react. Think before you click nga, 'di ba? Lalo na sa panahon ng social media. Choose your battle wisely. Hindi lahat, pinapatulan. Lalo na 'pag hindi naman talaga nila alam ipinaglalaban at pinagsasabi nila.”

“Hindi sila nagsisisi. So, para saan 'yung kailangang pag-usapan muna? Nag-isip nga ang mga 'yan kaya nga nagsasalita na kasi mali ang ginawa ng gobyerno,” ang sagot naman ng TV host.

Lahat ng mga nasa comments section sa IG ni Korina ay talagang hindi niya pinalampas na sagutin.

May kasamang pambabara at supalpal ang mga bashers sa reply ni Koring. Ang ibang netizen ay naaliw kapag bruha ang isinasagot ni Korina.

“Hahaha! Nakakatawa 'yung reply n'ya lagi na 'wag kang bruha...”

“Go, Ate Koring. Shame them with your clapbacks.”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Trending sa social media ang hashtag na “WeBlockAsOne.”

Ginawa ito ng KathNiel fans dahil gusto nilang ipa-block sa socmed ang mga bumabatikos sa kanilang mga idolo na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Inilalapit nila sa mga administrator ng mga social media platforms at ipinaba-block ang sinumang nagsasabi ng masama at bumabatikos sa KathNiel dahil sa pagtatanggol ng celebrity couple sa kanilang home studio na ABS-CBN.

Gustong ipasara ng KathNiel fans sa pamamagitan ng mass reporting ang socmed page account ng mga netizens na nanlalait sa kanilang idolo.

Mula kasi nang magsalita si Kathryn hinggil sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN na hindi raw makatarungan ay bumaha ang batikos ng mga netizens sa kanyang social media account.

Ayon sa Kapamilya actress, nu’ng una raw ay ayaw niyang magsalita tungkol sa isyu ng ABS-CBN shutdown dahil na-trauma siya nang magsalita noon sa usaping pulitika.

"Noong huling beses na ginamit ko ang platform ko sa usaping pulitika, hindi naging maganda 'yung nangyari. Naging traumatic 'yung experience ko noon.”

Maging ang pamilya raw niya ay nadamay pa.

Inalis daw niya ang takot sa dibdib para ipagtanggol ang ABS-CBN.

“Kung hindi kasi tayo magsasalita ngayon, sino? Tayo 'yung magmamana ng Pilipinas, kaya may karapatan tayo."

Sinegundahan naman ni Daniel ang post ng girlfriend.

“Bilang Pilipino, tungkulin natin na maging mapagmatyag. Karapatan natin ang magsalita, pero kasama ng karapatan na 'yan ay responsibilidad -- responsibilidad na siguraduhin na ang sinasabi natin ay tama, at higit sa lahat ay makatao at para sa tao," ani ng anak ni Karla Estrada.

“Nakakadismaya hong makita na ang iba naming mga kasamahan sa industriya na piniling magsalita ay iniinsulto.

“Wala naman ho silang ibang layunin kundi muling magbukas ang ABS-CBN.

“Ang gusto lang naman ho nila ay mapawi ang takot na nararamdaman ng mga empleyado na maaaring mawalan ng trabaho.”

Dahil sa post ng celebrity couple kaya sangkatutak na negatibong komento ang kanilang natatanggap ngayon.

Nanawagan ang KathNiel fans sa ibang fans ng mga artista na nakatikim din ng panlalait at masasakit na salita na makiisa sa ginagawa nilang mass reporting para mai-block ang mga bashers sa social media.

Matatandaang nauna nang umani ng pambabatikos sina Angel Locsin, Coco Martin, Judy Ann Santos, Kim Chiu at iba pang Kapamilya stars nang ipagtanggol nila ang ABS-CBN.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Walang katotohanan na lilipat sa GMA-7 ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo.

Nabigyan kasi ng kulay nang makitang nakikipagkuwentuhan si Heaven sa Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa mismong bakuran ng Kapuso last year.

Kamakailan ay nainterbyu ang young actress at natanong sa kanya kung totoong mag-oober da bakod siya.

Agad namang sumagot si Heaven na muli na raw siyang pumirma ng three-year contract sa ABS-CBN.

Aniya, "Nag-sign na ako sa ABS talaga na management kaya siguro hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon ng ganoong issues! Forever Kapamilya.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page