top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

May joke na ipinost si Vice Ganda sa socmed account niya na hindi nagustuhan ng mga netizens kaya binash na naman siya.

Ayon sa mga netizens, tigilan na niya ang pagkakalat ng toxic positivity dahil mas marami raw mga pressing matters at isyu sa Pilipinas.

Sinagot ni Vice ang mga netizens na irespeto kung ano ang views niya sa social media dahil inirerespeto niya ang mga ito. Otherwise, i-unfollow na lang daw siya.

Ani Vice, “Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdaraanan n'yo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko, please continue following me. Salamat po."

Dagdag pa ng comedian-actor-host, "Pero kung ayaw n'yo sa 'kin at sa mga tweets ko, pls. do yourselves a little favor, please unfollow me. Don't allow me to annoy you. And don't be a toxic follower.”

Ipinagdiinan niya sa online community "to stop being a toxic follower."

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Last February nang i-launch ni KC Concepcion ang kanyang YouTube channel na The KC Diaries.

Maraming celebrities ang nag-subscribe sa YT channel ng actress-entrepreneur like Kathryn Bernardo, Alex Gonzaga and Ivana Alawi.

Nu’ng Friday (May 29), Kitchen Collabs ang napanood sa kanyang YT channel. Inimbitahan niya ang kaibigang Filipino-Canadian chef na si Jordan Andino.

Ani KC, “I asked my good friend Chef Jordan Andino to TEACH ME HOW TO COOK, and we were surprised to see thousands of you join us live in the kitchen!”

Very happy ang Mega Daughter dahil ang daming nanood sa kanyang vlog. Agad siyang nag-post sa kanyang Instagram account na ang next niyang celebrity guest ay ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.

“I’m sooo excited to share with you who’s going LIVE with us on my IG LIVE today (Sunday)! Oh… my… gosh… ate JUDY ANN SANTOS lang naman! I can’t wait for us to learn her SEAFOOD CURRY that I loveee!!!”

Ibinahagi rin ni KC ang mga ingredients sa lulutuin nilang Seafood Curry ni Chef Juday.

Marami ang naaliw sa bagong online show ni KC na Kitchen Collabs. Educational daw ang show at marami ang natututong magluto dahil mga prominenteng chefs ang nagiging guests ng anak ni Sharon Cuneta.

Sabi ng mga followers ni KC, sana ay maimbitahan niya ang inang si Shawie at sabay silang magluto ng kanilang favorite food.

Heto ang mga komento ng mga netizens sa bagong online show ni KC… @joielucas: “Omg!!! You both will rock the world!”

@milethski: “Woooooooooh… excited! Gusto ko ‘yan.”

@maglalanggina_sharonian_ tmu: “Wow looking forward to see you both Kace and Juday.”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

ANG dami palang tattoo ni Nadine Lustre sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, SAMPU!!! At bawat isa ay may meaning daw.

Nainterbyu ang controversial actress sa Monster RX93.1 na ang mga hosts ay sina Rico Robles at Karla Aguas.

Binigyan ni Nadine ng chance ang mga fans na magtanong sa kanya tungkol sa personal niyang buhay.

Isang JaDine fan ang nagpadala ng compiled photos ni Nadine kung saan may mga tattoo ang aktres sa iba’t ibang parte ng katawan na may mga meaning.

"Nozomi Komiya" ang nakalagay sa isang malapit sa kanyang armpit. Ang ibig sabihin daw nito ay ang kanyang surname dahil may dugo siyang Japanese. Para sa aktres, it means hope dahil ang hope sa Japanese ay Nozomi.

May naka-tattoo naman na rose sa bandang right arm ng aktres near her hand. 'Yun daw ang favorite flower ni Nadine at para sa kanya, it symbolizes self-love.

May title ng kanta mula sa Tadhana, 'yung Nakayapak at Nahihiwagaan. Favorite song daw ‘yun ng kanyang namatay na kapatid na ipinalagay ng aktres nu’ng death anniversary ng utol.

Sa isa niyang daliri ay may nakatatak na "Oh La La". Simbolo raw ito ng pagmamahal at admiration niya sa foreign singer na si Lady Gaga.

May makikita rin sa isa pa niyang daliri na "Ma Cherie", meaning "my sweetheart" sa French.

Meron ding wrist tattoo, matching tattoos nilang magkakaibigan — Lauren, Andrea at Kiana.

May tattoo ring heart si Nadine sa isa pang daliri. It reminds her to do everything with love.

Meron ding crescent moon na inspired daw mula sa Everglow song ng Coldplay.

Ang vine tattoo naman ay nagpapaalala sa kanya to keep humble and grounded.

At ang huli ay "Ego Omnia", meaning “I am everything” na nakamarka naman sa bandang itaas ng kanyang bewang.

Ang mga larawan ay ibinahagi ng JaDine fans na si @Yvone JaDine Alamag.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page