top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Ayon kay Megastar Sharon Cuneta, naniniwala siyang may taong talagang ayaw i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kahit nasagot na ang lahat ng alegasyong ibinabato sa Kapamilya Network.

May ini-repost si Shawie sa Twitter at ang caption niya rito: “Lahat po ng mahahalagang katanungan ng pagdududa ay nasagot nang napakaraming beses. Paulit-ulit na lang. Parang pinapahaba lang nang pinapahaba. WALANG MALI SI MR. GABBY LOPEZ. Parang meron lang talagang ayaw i-renew ang franchise ng ABS-CBN. Nakakalungkot, eh. Baka kung mag-guest na lang sila sa ASAP o SHOWTIME, baka naibalik ang DOS sa ere at 'di na nila kailangang magpasiklaban sa hearing at sisikat na sila. #Repost darla with @get_repost.”

“Klarung-klaro naman po, ewan ko sa iba,” sabi pa ni Megastar.

Ang hinala nga ng ibang netizens, baka may ibang gustong makuha ang franchise ng ABS-CBN.

Isang netizen ang nagsasabing may pinatatamaan daw ang Megastar.

“Someone… parang pinatatamaan niya na iba ang karakter ng taong ito sa mga pinagsasasabing mababait at mapagpatawad na mga pananalita sa ginagawa nito sa likod ng telon! Two-face!”

“Grabeng administrasyon na ito! Failure na nga ang laban kontra Covid, may Anti-Terrorism Bill pang super unnecessary, tapos ABS-CBN's closure. Sa 16M bumoto sa kanya, ano na kaya ang pakiramdam nila ngayon?”

May naniniwala namang mabibigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network.

“I believe Congress will eventually renew the franchise of ABS-CBN. But sa ngayon, nagpa-power tripping lang ang ilang politicians just to show the officials of ABS and the public that they are "powerful" and that kaya nilang gipitin ang isang tao, groups and/or company kung gugustuhin nila kahit na alam naman natin na hindi tama ang ginagawa ng mga pulitiko na ito. I think, bago mag-SONA si Duterte sa July, mari-renew na ang franchise ng ABS dahil gagamitin nila ang issue bilang papogi points sa masang Pilipino.”

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nakatiis si Alex Gonzaga na 'di sagutin ang kanyang mga bashers. Sinabihan kasi si Alex na umalis sa social media dahil wala naman daw kakuwenta-kuwenta ang kanyang character at ginagamit lang ang popularidad nito para maka-attract ng mga viewers.

Tweet ni Alex, “Kung claim mo na ayaw mo du'n sa tao, I suggest that u stop watching their every move and then stop overreacting about it? ‘Coz that’s not even healthy. Ang sad!”

Sinabihan pa niya itong “Protect your mental health.”

Sa dami ng mga followers ni Alex sa socmed, sinuportahan siya ng mga ito at kinuyog ang bashers.

Naapektuhan ang basher kaya bumuwelta pa rin ng pagtu-tweet sa youngest sister ni Toni.

“Alam mo, mas okay kung nag-tweet ka na lang about sa hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda or mga biktima ng abuse this quarantine. Ang laki ng platform mo, 'teh, pero walang kuwenta.”

Sinundan pa ito ng “Kung puro ka ganyan, mag-deactivate ka na lang. Walang character development.”

Dinepensahan naman ni Alex ang sarili at maging ang kanyang pamilya. Tumutulong daw sila sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

“One example: YES marami pang 'di nabibigyan ng ayuda kaya sa makakaya ng pamilya namin, pinipilit namin na tuluy-tuloy na tumulong. In our business, we are trying our best and finding ways not to lay off people kahit matagal walang sales. Character devt. is not cursing someone in Twitter.”

Pagpapatuloy pa ni Alex, “You’re not even following, and yet you’re tweeting me. See. Nabuwisit ka pa tuloy ng taong buwisit ka na to begin with dahil feeling mo 'di kayo pareho ng ipinaglalaban. Out of sight, out of mind.”

“I-tweet mo na lang 'yung ipinaglalaban mo kaysa mang-away ka. I still appreciate you,” huling sabi ni Alex.

Isang netizen naman ang nag-call ng attention ni Alex. Aniya, “I honestly find Alex Gonzaga annoying 'coz she does not know how to limit giving insensitive remarks."

Isa namang netizen ang nagsabi na ang pangalan ni Alex Gonzaga ay “Synonymous with being bobo, moron, stupid and insensitive.”

Nalulungkot daw siya para sa fiancé ni Alex at sana raw ay matauhan.

“The guy deserves much better.”

Awww!

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Post ni Enchong Dee sa kanyang socmed account tungkol sa kinalabasan ng congressional hearing nu’ng Monday para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, “This hearing only shows no matter how much facts and documents we present in the house, paikut-ikot at paulit-ulit lang sila. Wasting time and wasting taxpayers' money is obvious.”

Which is true naman, dahil ang mga itinanong sa Kongreso ay tanong din ng Senado at ‘yun ay ang citizenship ng nagmamay-ari ng ABS-CBN.

Sinang-ayunan din ng netizen ang post ni Enchong.

“Ang bago lang, 'yung 50-year franchise, pero puwede namang bigyan ng panibagong franchise kasi maraming companies na more than 50 years na sa serbisyo,” ani ng isang netizen.

“Tama si Enchong, kahit ano pa ang isagot ng ABS, may mga taong sarado ang utak at ipagpipilitan ang kanilang paniniwala. Mukhang merong gustung-gustong makakuha ng franchise kaya ganu'n na lang ang paninira sa ABS.”

"Talagang nakakainit ng ulo ang hearing kanina, parang kanta lang ni Sarah G… Ikut-ikot lang, ikut-ikot... ikot! Ilang beses nang nasagot 'yan, hay, susmiyo!”

Isang netizen naman ang may ganitong komento na sana raw ay masagot ng aktor, “Enchong, sana, masagot mo, ano'ng masasabi mo sa corporations na humahanap ng paraan para bumaba ang buwis? Bakit naman sina Warren Buffet at Bill Gates, sila ang nagsasabing taasan pa ang tax nila at mayaman naman daw sila.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page