top of page
Search

Beth Gelena / Bulgary Files

Dinepensahan ni Sunshine Cruz si Kim Chiu sa pag-aakusa ni Jay Sonza na ‘drawing’ umano ang nangyaring ambush sa Chinita Princess.

Sey ni Sunshine sa kanyang socmed account, “So mean for someone to conclude na planned ang ambush ng ibang tao.”

Paliwanag pa niya hinggil sa nature ng kanilang trabaho, “And yes. Sa umaga, kapag 6 AM ang call time namin, usually bumabalik kami sa pagtulog sa loob ng van. Hindi unusual na gawain ‘yan.

“Dahil walang natamaan at walang namatay, drawing agad? Grabe naman!”

Dahil daw sa opinyon ng broadcast/journalist ay nagkakaroon tuloy ng pagdududa sa imbestigasyon.

Ang pagkakamali ni Sonza, mas marami ang nagmamahal sa Chinita Princess kaya sapul na sapul siya sa pang-aalipusta ng mga netizens.

Sey ng mga netizens: “I wish they wouldn’t respond to that loser Sonza’s malicious post. Responding to it only gives credence to his pernicious plan to muddle the investigation.”

“If anything, I wish they would file a complaint against him with the social media platform he’s using to spread malicious conspiracy theories.”

Si Sunshine ay gumaganap na ina ni Kim sa afternoon teleseryeng Love Thy Woman na napapanood pagkatapos ng It’s Showtime.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Umentra na naman ang pagka-‘sawsawero’ ng journalist na si Jay Sonza. Nu’ng una, pinuna niya ang sexy photo ni Nadine Lustre, ngayon naman ay ang traumatic incident na kinasangkutan ni Kim Chiu.

Sa Facebook page ni Sonza, aniya, “Sa mga beterano at batikang jurno, iyong ‘Kim ambush story’ ay isang malaking ‘DRAWING.’”

Pinagdudahan ni Sonza ang kuwento ni Chinita Princess na siya ay nakatulog sa bullet-proofed van.

Ayon pa sa kanyang FB post, “Nasa stop light nang pinaulanan ng bala, tumagos, pero walang tinamaan kahit isa?”

Sa huling bahagi ng post ni Sonza, may inilagay pa siyang: “Note: no offense meant, but

I find the story incredible to believe just like the old story of Failon’s wife alleged ‘suicide with a twist’ initially investigated by QC police, taken over by the NBI, who reported ‘no foul play.’”

Patuloy pang banat ng dating broadcaster-journalist sa salaysay ng Kapamilya actress, “Malamang writer ng ABS-CBN FPJ, Ang Probinsyano ang nagsulat ng ‘the unbelievable ambush of Kim Chiu.’

“Walang kalatuy-latoy, walang spark… pati si Kim, umiiyak nang walang luha tuloy.” Komento naman ng mga netizens…

“Bakit daw tumagos ang bala from right to left window kung bullet-proofed ang sasakyan?”

“Bakit sa tingin n’yo ba, tanga pa rin ang mga Pilipino?”

“Magaling na jurno ‘yang si Jay… kaya nga walang kumuha sa kanya. Walang magbigay ng trabaho, laging tanggal. Galing, eh. BWHAHAHAAH.”

Ang ibang netizens naman ay mukhang nagduda rin dahil sa sinabi ni Jay.

Anila, “After watching TV Patrol tonight na sinabi na hindi pa nagbibigay ng statement si Kim Chiu sa mga police, medyo nakakaduda nga. Either alam na n’ya ang nangyari at may pinoprotektahan s’ya (family/close keen) kaya ayaw na n’ya palakihin or staged lang lahat ng ‘to, pero for what?”

“Medyo marami ngang loopholes. ‘Di rin masisisi ang mga taong nagdududa. Kailangang malinawan ang lahat. Kasiraan din ni Kim kung hindi masagot ang tanong ng mga netizens.”

Eh, wala namang binanggit ang Chinita Princess na bullet-proofed ang van niya.

Maging sa report ng pulisya ay walang naka-indicate na bullet-proofed ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page