top of page
Search

ni Lolet Abania | September 21, 2021



Inaresto na si Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong ng Senado dahil sa umano’y “evasive” na mga tugon nito, habang bigong makapagsumite ng mga subpoenaed financial documents sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa kanya umanong maanomalyang supply deal sa gobyerno ngayong Martes nang hapon.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga opisyal ng Senate Office of Sergeant-at-Arms (OSAA) si Ong na ide-detain sa Senate building sa Pasay City.


“Mr. Chairman, Mr. Linconn Ong is with the OSAA already… He is already on the way here to the Senate,” ani Senate President Vicente Sotto III sa nagaganap na Blue Ribbon Committee hearing hinggil sa umano’y overpriced COVID-19 goods.


Unang ibinunyag ni Ong na inabisuhan na siya ng OSAA na ihanda na ang kanyang mga gamit dahil siya ay nakatakdang idetine sa Senate building. “Mr. Chairman… nagpa-pack up po ako ng gamit ide-detain na po ako ng Senado,” sabi ni Ong.


Sa unang bahagi ng pagdinig, binanggit ni Sotto na nananatili pa rin ang arrest warrant laban kay Ong at iba pang Pharmally officials. Matatandaang unang sinabi ni Sotto na inihain na ang arrest warrant laban Ong.


Gayunman, ayon kay Sotto nanatili si Ong sa kanyang bahay dahil sa nagpositibo ito sa test sa COVID-19.


Sa mga nagdaang pagdinig, binabaan sina Ong at ang dating presidential economic adviser na si Michael Yang ng cited in contempt dahil sa kanilang mga “evasive” responses o “pag-iwas” na sagot sa mga kuwestiyon ng mga senadors. Agad na kumilos ang panel para sila ay ipaaresto.


Isinulong ang imbestigasyon matapos makita ng Commission on Audit (COA) ang paglipat ng Department of Health (DOH) ng P42 billion funds sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagbili ng face masks at face shields sa gitna ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.


Ang Pharmally Pharmaceutical Corporation, isang maliit na nagsisimulang kumpanya, ay nakapag-secure ng mahigit sa P8 bilyon halaga ng government contracts para sa naturang procurement ng mga personal protective equipment (PPEs) na pinaniniwalaang overpriced.


 
 

ni Lolet Abania | August 31, 2020




Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Solicitor General (OSG) na kasalukuyang pinamumunuan ni SolGen Jose Calida tungkol sa undocumented travel expenses na nagkakahalaga ng P1.16 million noong 2019.


Ayon sa state auditors, sa 2019 Annual Audit Report ng OSG, nakapaloob sa P1.16 million na gastos ang local at foreign travel kung saan maaaring unliquidated o hindi suportado ng kinakailangang mga dokumento – isang paglabag sa COA Circular No. 2012-001 at Presidential Decree (PD) No. 1445.


Nakasaad sa COA Circular 2012-001 na ang expenses para sa local travel ay dapat na justified o makatwiran, na mayroong certificate of appearance/attendance at certification mula sa head ng ahensiya, pati na ang absolute necessity o ganap na pangangailangan ng gastusin, kung saan umaayon dapat sa bills o resibo nito.


Gayundin, sa parehong COA circular, ang mga gastusin sa official travel na lumampas sa prescribed rate per day o nakatakdang rate kada araw ay hindi maaaring i-justify ng isang certification o affidavit of loss at hindi dapat ikonsidera bilang angkop na kapalit para sa kailangang hotel/lodging bills at receipts.


Para sa travel abroad, nakapaloob sa COA circular na kinakailangan ang mga sumusunod: certificate of appearance/attendance para sa partisipasyon sa training/seminar; at narrative report sa trip undertaken/report ng pakikilahok.


Dagdag pa rito, nakasaad sa PD 1445 ang claims para sa government funds ay dapat na suportado ng kumpletong dokumentasyon.


“Audit of the liquidation reports of the 17 officers and employees granted with cash advances for local and foreign travels in 2019 totaling P1,169,121.61 showed that liquidation reports were not properly documented in violation of the above COA Circular and PD 1445,” ayon sa state auditors.


“The following documents were not attached, such as: certification from the head of the agency authorizing the claims of actual hotel accommodation/lodging as the same is absolutely necessary in the discharge of its official function; certificate of participation/attendance, and training report," sabi pa ng COA.


Ayon pa sa COA, pumayag na ang OSG sa rekomendasyon ng state auditors, na iatas sa Chief Accountant na siguraduhing kumpleto ang supporting documents ng liquidation reports bago parehong ibigay sa Audit Team para sa final disposition ng audit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page