top of page
Search

ni Lolet Abania | March 30, 2022



Sinuspinde ang klase sa 19 na paaralan na apektado ng nagaganap sa Bulkang Taal sa Batangas, ayon sa Department of Education (DepEd).


Sa Talk to the People na ipinalabas ngayong Miyerkules, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga naturang eskuwelahan ay matatagpuan sa loob ng danger zones sa paligid ng bulkan.


“Mga 19 schools nag-suspend na tayo ng classes dahil ang primary (concern) natin ay protection of children,” saad ni Briones. Base sa datos ng DepEd, 17 sa mga paaralan ay nasa Agoncillo at dalawa naman sa Laurel.


Ayon kay Briones, nagmo-monitor na ang DepEd kaugnay sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Binanggit naman ng opisyal na dini-discourage ng ahensiya ang paggamit ng mga paaralan bilang evacuation centers.


Subalit, sakaling magkaroon ng matinding sakuna gaya ng eruption ng Bulkang Taal, pinapayagan ng DepEd na gamitin ang mga pasilidad na gawing temporary shelters. “May schools tayong ginagawang evacuation centers like Agoncillo,” ani Briones.


Sinabi pa ni Briones, na nakikipagtulungan na ang DepEd sa Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para makapagbigay ng assistance sa mga bata, kabilang na ang pamamahagi ng health kits.


 
 

ni Lolet Abania | January 14, 2022



Sinuspinde na ng Department of Education-National Capital Region ang mga klase nito mula Enero 15 hanggang 22, 2022 upang mabawasan ang pasanin ng mga titser at estudyante, kasabay pa ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.


Batay sa DepEd Regional Memorandum No. 017 s. 2022, na nilagdaan ngayong Biyernes ay nakasaad na ang mga klase sa NCR ay magbabalik mula Enero 24 hanggang 29, subalit para lamang sa asynchronous distance learning modalities.


“The Deped NCR suspends the conduct of classes starting Saturday, January 15, 2022, and on Monday, January 17 until Saturday, January 22, 2022,” base sa ibinabang memorandum.


Gayunman, ayon sa DepEd-NCR, kailangang gamitin ng mga estudyante ang kanilang “midyear break”, kung saan naka-iskedyul ito mula Enero 31 hanggang Pebrero 5, upang makumpleto ang kanilang backlogs sa mga learning outputs.


Gayundin, ang mga guro ay inaasahang dadalo sa kanilang mga aktibidad, kabilang na ang in-service trainings at iba pang kinakailangang pag-aaral sa panahon ng sinasabing break.


Ang mga estudyante naman ay dapat mag-submit ng kanilang learning outputs sa pagitan ng mga petsang Pebrero 7 at 12 sa pamamagitan ng online platforms.


Ang Quarter 2 examinations ay nakatakdang isagawa sa Pebrero 7 at 8.

Noong Miyerkules, hinimok ng DepEd ang mga regional at schools division offices na i-exercise ang kanilang deskrisyon sa pagsusupinde ng mga klase at iba pang teaching-related activities ngayong Enero sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.


Ipinunto rin ng DepEd dito, ang nakaaalarma pagsirit ng COVID-19 cases na anila, mahalaga ang kapakanan ng mga guro at mga estudyante.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 9, 2022



Nagkansela ng klase ang unibersidad at paaralan bukas, Lunes, Enero 10, bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng COVID-19.


Narito ang listahan ng mga paaralang nagsuspinde na ng klase:


Enero 10:


* Saint Pedro Poveda College

Mula Enero 10 hanggang 11:

* Xavier School San Juan at Nuvali 


Mula Enero 10 hanggang 12:

* De La Salle Zobel

* Philippine Women's University 


Mula Enero 10 hanggang 14 :

* Marist School 


Mula Enero 10 hanggang 15:

* De La Salle University (lahat ng antas)

* De La Salle - College of Saint Benilde (Benilde Manila, Benilde Antipolo, Benilde Deaf School, at Benilde Senior High School)

* Miriam College (grade school, high school, SDTEC at MC Nuvali)

* Chiang Kai Shek College (lahat ng antas)

* San Beda College - Alabang (IBED K-10 and SHS 11-12, College of Arts and Sciences, and Graduate School) 


Mula Enero 10 hanggang 16

* Polytechnic University of the Philippines (lahat ng antas)


Ang University of the East ay nag-postpone din ng face-to-face classes at mag-aanunsiyo pa ito kung magkakaroon din ng academic break.


Sa Philippine Science High School - Main Campus, suspendido naman ang lahat ng synchronous classes sa pamantasan mula Enero 10 hanggang Enero 14, ayon sa Student Council nito.


Sa Far Eastern University naman, iho-hold online ang lahat ng klase mula Enero 17 hanggang February 12. 


Nitong Sabado, nakapagtala ng 26,458 bagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page