top of page
Search

ni Lolet Abania | October 14, 2021



Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes na dapat na i-monitor nang husto kung ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila ay magdudulot ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.


Una nang pinayagan na magbukas simula Oktubre 16 ang mga sinehan sa Metro Manila matapos na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay aprubahan nitong Miyerkules na ibaba sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR).


“For as long as the minimum public health standards are followed, we can give it a try and then monitor. We’ll see if there’s going to be an unusual increase of cases if and when cinemas are opened,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa isang interview.


“But again this is controlled, regulated to about 30% [indoor venue capacity for fully vaccinated individuals]…it means there is spacing, then you have the face mask, and then the cinemas must have [or] they have filters similar to the ones being used inside an airplane. I think they upgraded their ventilation,” dagdag ng kalihim.


Ipapatupad ang Alert Level 3 sa buong Metro Manila mula Oktubre 16 hanggang 31.


Sa ilalim ng naturang alert level, ang mga establisimyento gaya ng cinemas at amusement parks, gayundin ang in-person religious gatherings at limited face-to-face classes para sa higher education at technical-vocational education and training ay pinapayagan nang magbukas sa maximum na 30% ng indoor venue capacity para sa indibidwal na fully vaccinated lamang habang 50% para sa outdoor venue capacity.


Sa gitna ng pangamba ng mga healthcare workers hinggil sa pag-downgrade ng alert level kung saan anila ay “masyado pang maaga”, tiniyak naman ni Duque na patuloy ang gobyerno na panatilihin ang kailangang flexibility pagdating sa COVID-19 response.


“Well, you use the system calls for weekly monitoring of the cases that are registered on a daily basis. So no worries because we are nimble. I mean, we can always escalate,” sabi ni Duque.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 19, 2021




Muling ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang operasyon ng ilang establisimyento sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa loob nang 2 linggo dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa Malacañang.


Simula ngayong araw, March 19 hanggang April 4, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, suspendido ang operasyon ng mga sumusunod: Driving schools; Traditional cinemas; Videos and interactive game arcades; Libraries; Archives; Museums and cultural events; Limited social events; at Limited tourist attractions, except open-air tourist attractions


Samantala, ang pagsasagawa ng mga pagpupulong, conferences at exhibitions sa mga “essential gatherings” at maging ang mga religious gatherings ay nililimitahan lamang sa 30% capacity ng venue sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.


Limitado rin sa 50% capacity ang mga dine-in restaurants, cafes, at personal care services. Nilinaw naman ni Roque na maaaring itaas ng lokal na pamahalaan hanggang sa 50% capacity ang mga religious gatherings batay sa kondisyon ng kanilang nasasakupang lugar.


Pahayag ni Roque, “Binibigyang discretion din ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang venue capacity na hindi lalagpas ng 50 percent base sa mga kondisyon sa kanilang lugar.


“Hinihikayat ang mga ahensiya ng pambansang pamahalaan na ipagpaliban muna ang mga non-critical activities kung saan magkakaroon ng mga pagpupulung-pulong o mass gatherings.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 7, 2021





Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors na ipagbawal pa rin ang operasyon ng mga sinehan at arcades dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa isinagawang pagpupulong noong Sabado, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.


Aniya, "Metro Manila Mayors will have one policy, one voice as far as Metro Manila is concerned. Movies, arcades, cinemas, will be suspended temporarily because of this upsurge.


“Importante talaga rito ay 'yung back to basic, it’s the minimum health protocols, ito ’yung face shield, mask, specially distancing and of course, ‘yung paghuhugas ng kamay. These 3 things could make a lot of difference, napakaimportante po nito.”


Ayon din kay Abalos, susuriin pa ng mga opisyal ng pamahalaang lokal ang sitwasyon kaugnay ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa loob ng 3 hanggang 4 na linggo bago magdesisyon kung kailan muling papayagan ang operasyon ng mga naturang establisimyento.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page