ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 23, 2021
Patay ang 12 miyembro ng heavily-armed gang at isang pulis at apat ang sugatan sa isinagawang Maguindanao operation ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) sa Sultan Kudarat ngayong Sabado nang umaga.
Tinatayang nagsimula ang engkuwentro kaninang 3:00 AM at natapos nang 9:30 AM at kabilang sa mga nasawi ay ang dating chairman ng Barangay Limbo, Sultan Kudarat na si Pendatun Talusan at 11 tauhan niya.
Maghahain dapat ng arrest warrant ang mga miyembro ng CIDG-BAR laban kay Talusan at sa kanyang mga tao dahil sa kasong multiple homicide, frustrated murder at vehicle theft na nauwi sa engkuwentro matapos magpaputok ang mga suspek.
Pahayag ni Brig. Gen. Samuel Rodriguez, director of PRO-BAR, “They were to be served with warrants for their arrest peacefully but they provoked an encounter.”
Samantala, kinilala ang pulis na nasawi na si Police Staff Sgt. Elenel Pido at apat na miyembro rin ng SAF ang sugatan sa insidente.