top of page
Search

ni Chit Luna @News | April 3, 2024



Nagpasaklolo na ang ilang mag-aaral kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para aksyunan at disiplinahin ang isang mataas na opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) sa Luzon na si Dr. Aldrin Darilag na professor din sa Don Honoria Ventura State University (DHVSU) sa Pampanga.


Kaugnay umano ito sa kasong grave misconduct, neglect in the performance of duty and abuse of authority or oppression.


Sa kanilang complaint, sinabi ng isang alyas Guia, Tourism student na kailangan umanong paboran ng mga mag-aaral ang gusto ni Darilag para sila’y makapasa at maka-graduate.


Isang halimbawa umano ang reklamo ng isang MBA student na kahit na kumpleto sa lahat ng requirements ay nabigyan pa ng professor ng gradong Incomplete.


Samantala, naihain na umano ang complaint kay CHED Chairperson Prospero de Vera III hinggil sa sinasabing hindi makatwirang gawain ni Darilag.


Naipadala na rin umano ni Chairperson De Vera ang usapin sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.


Nais ng mga mag-aaral na imbestigahan, suspendihin o parusahan si Darilag sa umano’y maling gawain na hindi na katanggap-tanggap at sinasabing malinaw na pang-aabuso sa katungkulan.


Dahil sa mga palitan ng kuwento tungkol sa naturang opisyal, nagdesisyon umano ang mga mag-aaral para ireklamo ang naturang CHED official upang matigil na ang umano’y pang-aabuso nito.


 
 

ni Chit Luna - @Yari Ka! | March 30, 2021


Masama ang loob ng isang opisyal ng gobyerno sa kanilang ‘boss’, makaraan siyang diretsahang tablahin sa kanyang kahilingang maging pambato ng administration party.


Ngunit sa halip na magmukmok, mas naging masigasig siya sa kanyang ambisyong pamunuan ang bansa at bahagi ng kanyang paghahanda ay ang panliligaw sa sikat television host para maging ‘running mate’.


Ang siste, nauna pala siyang gumapang sa pakikipag-usap sa TV host kaysa sa iba. Matatandaang, umugong ang balitang inaalok ng iba pang pulitiko ang nasabing TV host para pasukin ang magulong mundo ng pulitika. Ang kanilang alok—slot sa senatorial line-up.


Pero katwiran ng TV host sa kanyang pagtanggi, wala siyang alam sa pagbabalangkas ng batas—pero ang posisyon ng bise-presidente, sakaling palarin ay hindi nalalayo sa kanyang pinagkakaabalahan sa kasalukluyan—ang makipag-ugnayan sa masa.


Ayon sa ilang malalapit na kaibigan, naging mas masigasig ang panliligaw sa TV host makaraan siyang ilaglag ng kanilang ‘boss’ nang nangakong siya ang ilalaban sa 2022.


Pero sa pagkakataong ito, siya naman ang nakaisa. ‘Ika nga ay bawi-bawi lang ‘yan.


Isang matinding low-blow man ang umiktad sa kanya, sinuklian niya ito ng nakayayanig na upper cut.

 
 

at face shields para mas malaki ang kita, pwe!


ni Chit Luna - @Yari Ka! | March 27, 2021


Talaga yatang may mga taong hindi marunong makuntento. Tulad na lamang ng misis ng isang opisyal ng gobyerno na ang manipulado ang supply ng disposable facemasks at face shields.


Sinamantala ng esmi ng bagitong gov’t official ang ipinalabas na direktiba na nag-aatas sa mga miyembro ng Philippine National Police na arestuhin ang mga hindi magsusuot ng facemasks at face shields.


Tama ang inyong nabasa, pareho nang requirement ang paggamit ng face masks at face shields kahit sa labas ng mga pampubliko at pribadong establisimyento.


Ang siste, Linggo pa lang ng gabi ay inipit na niya ang supply ng mga ito sa merkado dahil may paunang abiso umano sa kanya sa gagawing paghihigpit. Kina-Lunesan, naubos ang mga nakakalat na supply sa mga vendors.


Sino nga naman ang hindi bibili ng kanyang supply na ipinakakalat sa buong bansa lalo pa’t pagkakakulong ang puwedeng kahantungan ng hindi pagsusot ng mga ito.


Ang siste, Martes ng umaga ay pahirapan na ang paghahagilap sa merkado dahil sinimulan na niyang ipitin ang mga ito sa kanyang warehouse. Mayroon pa rin naman siyang binitawang supply ng face masks at face shields — pero sa mas mataas na presyo.


Talagang mapagsamantala ang bruha! Palibhasa’y kilalang malapit ang mister niya sa Palasyo.


Kung ating babalikan ang mga nakaraang labas sa ating pitak, siya rin ang tinutukoy nating may monopolyo sa mga China-made medical logistics — mula sa depektibong rapid test kits, smuggled vaccines noong Oktubre, artificial shortage ng face shields noong Abril at Mayo at maging sa alcohol at disinfectants.


Grabe, napakawalanghiya talaga ng babaitang ito, isang tunay na bruha!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page