ni Lolet Abania | December 21, 2021
Inanunsiyo ng gobyerno ng China ngayong Martes na magpapadala sila ng 20,000 food packages na nagkakahalaga ng P8 milyon para sa mga apektado ng Bagyong Odette.
Ayon sa Chinese Embassy, bawat package ay naglalaman ng 5 kilograms ng bigas, 10 canned food at 10 noodles packs, kung saan patungo na ang mga ito sa Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City, at Negros Oriental.
“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” batay sa isang statement.
“China will do its utmost to continue its firm support to the disaster relief efforts of the Philippine government and the Filipino people.”
May karagdagang 4.725 million kilograms ng Chinese government-donated rice ang kanila ring ipapadala sa mga lugar na labis na hinagupit ng bagyo.
Tinatayang nasa 1.5 million kilograms ang inilaan para sa Cebu, habang 3.225 million kilograms na nasa Manila ay nakatakdang i-transport sa iba pang apektadong lugar sa Visayas at Mindanao.
Bukod sa China, marami ring mga bansa gaya ng United States, France at Australia, ang nangako na magbibigay ng assistance para sa disaster relief operations ng gobyerno ng Pilipinas.