ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 15, 2021
Matagumpay na lumapag sa Mars ngayong Sabado nang umaga ang uncrewed Chinese spacecraft, ayon sa state news agency na Xinhua.
Sa paglapag ng Tianwen-1 spacecraft sa isang site sa Southern Utopia Plain, saad ng Xinhua, nakapag-iwan ito ng “Chinese footprint on Mars for the first time.”
Ayon sa China Space News, ang proseso ng pag-landing ay binuo ng “nine minutes of terror” dahil sa biglaang pagbilis at pagbagal ng module.
Ang isang solar-powered rover naman na tinawag na Zhurong ay magsisiyasat sa landing site at magsasagawa ng inspeksiyon. Ang Zhurong ay may 6 scientific instruments kabilang na ang high-resolution topography camera.
Pag-aaralan ng rover ang ibabaw ng lupa ng Mars kabilang na ang atmosphere nito. Sisiyasatin din ng Zhurong kung mayroong senyales ng ancient life sa Red Planet kabilang na ang mga sub-surface water at yelo gamit ang ground-penetrating radar.
Samantala, ang unang bansa na nakarating sa Red Planet ay ang United States.