top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 9, 2023




Binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) nitong Sabado ang sasakyang pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na patungo sa Scarborough Shoal. 


Kasalukuyang nasa misyon ng paghahatid ng langis at iba pang kagamitan ng mga mangingisda ang sasakyan ng BFAR nang mangyari ang insidente.


Nagsimula ang pambobomba ng water cannon bandang alas-9:00 ng umaga at nagpatuloy ito hanggang alas-12:00 ng tanghali.


Base sa mga natanggap na ulat, humanap muna ng tiyempo ang CCG bago itinutok ang water cannon at direktang binomba ang nasabing barko ng ‘Pinas.


Suportado rin ng mga barkong-militar ng China ang mga bangka ng CCG na lumapit sa sasakyan ng BFAR.



 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 6, 2023




Malaki ang ibinababa ng bilang ng mga barkong pandagat ng China sa Julian Felipe Reef, ayon sa pahayag ng militar ngayong Miyerkules.


Ito ay matapos ihayag ng isang mataas na mambabatas na magpadala ng mas maraming barko ng Philippine Navy upang pigilan ang presensya ng nasabing bansa sa West Philippine Sea.


Saad ni Philippine Navy Vice Admiral Alberto Carlos ng Western Command, ang bilang ng mga sasakyang pandagat ng China na nasa lugar ay malaki ang ibinaba mula sa 135 na dami nito kamakailan.


Dagdag niya, kasalukuyan pang tinitingnan ang lokasyon ng mga sasakyang pandagat.


Aniya, kasama sa standard operating procedure ng 'Pinas pagdating sa mga vessel ng China ang paglabas ng mga radio challenge at pagsusuri sa presensya ng mga ito.


Ayon pa kay Carlos, laging nandoon ang Philippine Navy at ang Philippine Coast Guard sa tuwing nakikita nila ang pagtaas sa presensya ng mga sasakyang pandagat ng dayuhang bansa sa teritoryo ng WPS.


Sa kabilang banda, nagpahayag si House Deputy Minority Leader France Castro ng pagkadismaya dahil sa pagpasok ng China sa bahagi ng bansa sa kabila ng ipinapakitang pagtutol at mga diplomatikong protesta ng mga Pinoy at sinabing hindi gumagana ang existing procedures na sinasabi ng Philippine Navy.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 20, 2021



Patay ang apat na katao habang walo ang sugatan matapos mag-collapse ang parte ng isang expressway bridge ramp sa Ezhou City sa central Hubei province ng China, ayon sa Xinhua news agency.


Bumagsak ang naturang tulay sa expressway kung saan tumaob ang tatlong truck at nabagsakan ang isang kotse.


“Work was being carried out on the bridge when the incident occurred,” ayon sa report.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page