ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 23, 2023
Suportado ng United States ang Pilipinas sa insidenteng banggaan ng mga barko ng Pilipinas at Tsina sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea na nangyari noong Linggo, Oktubre 22.
“The United States stands with our Philippine allies in the face of the People’s Republic of China (PRC) Coast Guard and maritime militia’s dangerous and unlawful actions obstructing an October 22 Philippine resupply mission to Second Thomas [Ayungin] Shoal in the South China Sea,” sabi ng Office of the Spokesperson of the US State Department sa isang pahayag nitong Lunes, Oktubre 23.
Inakusahan ng Tsina ang mga barko ng Pilipinas na nagsimula ng mga banggaan, sinasabing sila'y naghahanap ng gulo at nagdadala ng ilegal na materyales pangkonstruksyon. Nagdulot ang insidenteng ito ng pagkundena at pag-aalala ng mga diplomatikong komunidad.
"By conducting dangerous maneuvers that caused collisions with Philippine resupply and Coast Guard ships, the [People's Republic of China] Coast Guard and maritime militia violated international law by intentionally interfering with the Philippine vessels' exercise of high seas freedom of navigation," pahayag ng US Department of State.
Ayon sa Tsina, kanilang isinagawa ang mga maniobra dahil sa alegasyon na nag-trespass ang mga barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa kabila ng paulit-ulit na babala.
Pinangangatwiranan ng Tsina ang kanilang ginawang hakbang dahil hindi raw sumusunod ang Pilipinas sa kanilang pangako na alisin ang naka-ground na BRP Sierra Madre, na tumatanggap ng mga suplay ng pagkain at materyales para sa konstruksyon mula sa mga barko ng Pilipinas. Itinanggi ng Manila na sila'y nagbigay ng ganitong pangako, at hindi rin maipakita ng Tsina ang anumang patunay na sumusuporta sa kanilang alegasyon.
Ipinahayag ng United States na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Ayungin Shoal, ayon sa international law.
“The unsafe maneuvers on October 22 and the PRC water cannoning of a Philippines’ vessel on August 5 are the latest examples of provocative PRC measures in the South China Sea to enforce its expansive and unlawful maritime claims, reflecting disregard for other states lawfully operation in the region,” ayon sa isang pahayag ng US.
“The United States reaffirms that Article IV of the 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty extends to armed attacks on Philippine armed forces, public vessels and aircraft—including those of its Coast Guard—anywhere in the South China Sea,” dagdag pa nito.