ni Angela Fernando - Trainee @News | December 15, 2023
Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Biyernes na dapat igiit sa China ng 'Pinas at ng pandaigdigang komunidad na kumilos ng responsable sa gitna ng patuloy at tumataas na tensyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Teodoro, patuloy na gumagamit ang China ng mga "swarming tactics" sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng 'Pinas.
Dagdag niya, ang bansa ay dapat na tuluyang alisin ang mga barko ng China ngunit mas madali itong sabihin kaysa gawin.
Aniya, "It is a question for the whole world to [be] worried about, because if the South China Sea is constricted by China, then your supply chains are affected, international maritime order is affected, and for us in the Philippines, if we are not able to secure our EEZ, our existences as an archipelagic country under UNCLOS is in peril."
Dapat ding ipagpatuloy ng bansa ang kanyang impetus ng 'proactive diplomacy' at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa na may parehong pananaw sa rehiyon at sa labas ng rehiyon, saad ng defense chief.
Ito ay matapos na matanong si Teodoro tungkol sa presensya ng mga barkong militar ng China sa Ayungin Shoal.