ni Jasmin Joy Evangelista | March 3, 2022
Sa kanyang pagharap sa mga botante ng Maynila, sinabi ni human rights lawyer at senatorial candidate Jose Manuel "Chel" Diokno na ang opposition ticket sa pangunguna ni presidential candidate Leni Robredo ay pangangalagaan at hindi nanakawin ang pondo ng gobyerno.
"Hindi kami katulad ng ibang pamilya riyan na ginagamit ang pwesto sa gobyerno para mangurakot," ani Diokno said.
"Hindi kami tulad ng isang pamilya diyan na ginagamit ang fake news para manloko sa bayan," dagdag niya.
Si Diokno ay anak ni late Senator Pepe Diokno, na nakulong noong panahon ng Martial Law.
Sinabi rin ni Vice President Leni Robredo, na ang kanyang administrasyon ay tututok sa pangangalaga ng public funds.
"Napatunayan po namin sa Office of the Vice President na kahit maliit ang aming budget, marami kaming nagawa dahil pinangangalagaan namin ang pera ng bayan," pahayag ni Robredo kung saan tinukoy nito ang kanilang programang Angat Buhay na nagbibigay ng livelihood at housing assistance, sa mahihirap sa pamamagitan ng partnership sa private sector.
"Kahit napakakaunti noong aming pera, dahil wala doon napupunta sa korapsyon, napapaabot namin siya sa pinakamalalayong lugar dito sa ating bansa na nangangailangan. At meron po kaming isang aral na napulot: Pag ang tao naniniwala sayo, ang tao inspirado na tumulong sa kapwa," dagdag niya.
Ayon pa kay Robredo, hindi niya tatalikuran ang publiko sakaling maluklok siya sa pagka-pangulo.
"Ang amin lang pong mapapangako sa inyo ni Senator Kiko [Pangilinan], ang mapapangako po namin sa inyo na pag kami ‘yung binigyan niyong pagkakataon magsilbi, kung ano ‘yung pinakita namin na klase ng pamamahala mula noong nag-umpisa kami, ‘yun din po ‘yung ibibigay namin: Matino at mahusay na mga lingkod bayan," pahayag pa niya.