ni Jasmin Joy Evangelista | February 3, 2022
Sumali ang isang guro ng senior high school sa mga Facebook groups na nag-o-offer ng paggawa ng mga school paper at requirements kapalit ng pera upang malaman kung paano nag-o-operate ang mga ito at kung sino sa kanyang mga estudyante ang nag-a-avail ng serbisyo ng mga ito.
Ayon sa report, si Dencio (hindi tunay na pangalan), na isang college lecturer, ay naghinala matapos na hindi maipaliwanag ng kanyang mga estudyante ang nakasaad sa thesis ng mga ito.
Dahil dito ay naghinala umano si Dencio na ipinagawa lamang ng mga estudyante ang naturang thesis.
Napag-alaman umano niyo ang online groups na nag-o-offer na magsulat ng essays, papers at iba pang schoolworks na may kapalit na bayad.
Sikreto umano siyang sumali sa mga naturang Facebook groups upang makita kung sino sa kanyang mga estudyante ang naroon.
Ayon kay Education Undersecretary Antonio Diosdado San Antonio, ipinaalam na ng education department sa Facebook ang tungkol sa mga for-hire groups na ito.
Sa ngayon ay wala pang komento ang Commission on Higher Education (CHED) ukol dito.