top of page
Search

ni Lolet Abania | April 21, 2022



Bumuo ng isang kolaborasyon ang Commission on Elections (Comelec) at Commission on Higher Education (CHED) upang isulong ang voter education para sa mga kabataan bago pa ang May 9 elections.


Isang memorandum of agreement (MOA) ang nilagdaan nina Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr. at CHED Executive Director Cinderella Filipina Jaro na may kaugnayan sa kanilang partnership, sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila ngayong Huwebes.



“Without [a] doubt ang partnership na ito will enhance tremendously the voters’ education capability… This will also increase voter turnout and moreso siguro, yung sinasabi nating voters’ understanding [of] how the election processes are being conducted,” saad ni Sinocruz sa kanyang speech.


“Ang mas importante talaga is the total understanding of how the election process is being done so that they can vote intelligently and efficiently which, in turn, will complete our orderly and peaceful elections,” sabi ng Comelec executive.


Sa ilalim ng partnership, isang voters’ education forum ang isasagawa sa lahat ng higher education institutions (HEIs) sa bansa. Layon nitong makapag-produce ng mga mahuhusay na mga botante sa pamamagitan ng pagpapabatid sa mga kabataan ng kanilang karapatan na bumoto, paano at kailan dapat magparehistro, sinu-sino ang mga tatakbong kandidato, at ang mga mechanics ng electoral process at iba pa.


Gayunman, nilinaw ng mga opisyal na nasimulan na ang mga forums sa maraming lugar, kung saan ini-report ni Jaro na ang mga katulad na talakayan ay isinagawa sa Region 9.


Ayon kay Jaro, tinatayang nasa 3.6 milyon estudyante ang naka-enrolled sa HEIs sa buong bansa. Aniya, karamihan sa mga estudyante ay nasa edad 18 – ang voting age sa Pilipinas – at pataas.

 
 

ni Lolet Abania | March 3, 2022



Inanunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong Huwebes na ang proseso ng scholarship application para sa mga papasok na first-year college students ay suspendido muna dahil sa kakulangan ng pondo.


“CHED will temporarily suspend the application to CHED Scholarship Program (CSP) for incoming first-year college students for Academic Year (AY) 2022-2023,” post sa Facebook ng CHED.



“The suspension is an offshoot of budget inadequacy in the Commission’s FY 2022 budget for StuFAPs (Student Financial Assistance Programs),” dagdag pa ng ahensiya.


Sa isang memorandum na may petsang Pebrero 21, inatasan ni CHED Chairperson Prospero de Vera III ang mga regional offices ng komisyon para magpakalat ng impormasyon hinggil dito, upang maiwasan ang mga fake news at kalituhan sa mga estudyante na nagnanais na mag-apply ng scholarship.


Matatandaang nai-report na ng CHED noong Setyembre, na ang commission ay nag-provide ng financial aid sa mahigit 2 milyong estudyante.


 
 

ni Lolet Abania | February 15, 2022



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang bagong commissioners ng Commission on Higher Education (CHED).


Sina Libre at Canapi ay magsisilbi ng 3-taong termino hanggang Hulyo 21, 2025. Sa isang statement ngayong Martes, binati ni CHED chairman Prospero De Vera ang mga bagong commissioners habang pinasalamatan ang mga paalis nang commissioners sa kanilang epektibong pamumuno at pamamahala.


“The commission thanks our outgoing commissioners Perfecto Alibin and Lilian De Las Llagas for showing outstanding leadership and for contributing to the effective governance of the governing boards of their respective State Universities and Colleges (SUCs),” sabi ni De Vera.


“I now welcome our two new commissioners and I am confident that we all continue to learn and educate as one,” aniya.


Papalitan ni Libre si commissioner Perfecto Alibin, habang si Canapi naman ay si Lilian de las Llagas na ang termino nito ay una nang naitakda na magtapos noong Hulyo 21, 2021.


Si Libre, na dating vice president sa Communications and External Affairs ng Jose Maria College Foundation, Inc. sa Davao City, ay nagtapos ng kanyang Bachelor of Arts in Political Science mula sa Ateneo de Davao University (AdDU).


Siya ay binigyan ng scholarship mula sa CHED upang ipagpatuloy ang kanyang Master of Arts in Political Science with a major in Global Politics sa Ateneo de Manila University (ADMU).


Kumuha rin si Libre ng master ng Public Administration mula sa University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) at natanggap ang kanyang Doctor of Public Administration mula sa Ateneo de Cagayan-Xavier University.


Samantala, si Canapi, ang ikalawang pangulo ng University of Rizal System (URS) at nagsilbi rin bilang vice president ng academic affairs sa University of Makati.


Saglit siyang nakapagsilbi bilang vice president naman sa academic affairs ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.


Hawak din niya ang isang doctorate degree at isang master’s degree in Education with specialization in Educational Management.


Si Canapi ay isang recipient ng National Scholarship mula sa Department of Science and Technology (DOST) para sa Baccalaureate Program in Physics for Teachers mula sa Philippine Normal University (PNU) in consortium sa De La Salle University (DLSU) kung saan nagtapos siyang cum laude.


Kapwa makakasama nila sina De Vera at Commissioners Ronald Adamat at Aldrin Darilag sa CHED.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page