ni Mary Gutierrez Almirañez | April 14, 2021
Labing-pitong colleges and universities ang pumayag na maging vaccination facilities sa isinasagawang rollout ng pamahalaan kontra COVID-19, ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera III ngayong araw, Abril 14.
Aniya, mas maganda kung maraming vaccination facilities upang mabilis na matapos ang kampanya laban sa pandemya.
Sinimulan na ring ipamahagi ng CHED ang draft arrangement sa bawat paaralan para mapag-usapan ang kanilang magiging hakbang.
"Target natin within the month of April ay maayos ‘yung usapan nila kasi darating ‘yung mga bakuna sa Mayo,” sabi pa ni de Vera.