top of page
Search

ni Lolet Abania | May 25, 2022



Asahan na rin ng mga minimum wage earners sa Central Visayas ng pagtaas ng kanilang arawang sahod matapos na aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board VII (RTWPB VII) ang wage increase sa rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Miyerkules.


Sa isang statement, sinabi ng DOLE na aprubado na ng RTWPB VII ang anila, “increase of P31 per day across all geographical areas in Region VII and in both non-agriculture and agri workers, raising the minimum wage between P387 to P435 and P382 to P425, respectively.”


“Also, the RTWPB VII granted a P500 increase in monthly pay for kasambahay, raising to P5,500 and P4,500 the minimum pay for those in chartered cities and first class municipalities, and other municipalities, respectively,” dagdag ng DOLE.


Ang desisyon ay subject pa rin para i-review ng National Wages and Productivity Commission.


 
 

ni Lolet Abania | May 24, 2022



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng bilang ng dengue cases sa Central Visayas ngayong taon.


Ayon sa DOH Region 7, umabot sa 3,177 ang mga kaso ng dengue sa lugar na nai-record mula Enero 1 hanggang Mayo 7. Ang Cebu Province, ang nangunguna na may pinakamaraming dengue cases na 1,132 na naitala, kasunod ang Cebu City na may 708, Bohol na may 468 at Lapu-Lapu City na may 444 kaso.


Hanggang noong Mayo 7, nasa 31 naman ang nasawi sa naturang sakit sa buong rehiyon. Naitala ang mga ito sa Cebu City na 11 ang namatay, 10 sa Cebu Province, 6 sa Lapu-Lapu City, dalawa sa Negros Oriental at dalawa sa Mandaue City.


Sinabi ni Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng DOH-Region 7, ang mga nagdaang pag-ulan at bagyo ang ilan sa mga tinitingnan nilang dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa naturang rehiyon.


“Lahat ‘yan has affected actually the accumulation of these waters that are stagnant,” saad ni Loreche sa isang radio interview ngayong Martes.


Paalala naman ni Loreche sa publiko na paigtingin pa ang isinasagawang 4S strategy kontra dengue. Ang 4S strategy ay Search and destroy mosquito-breeding sites; Self-protection measures; Seek early consultation of symptoms; at Support spraying or fogging upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso dengue.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 12, 2022



Nasa 170,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Central Visayas ang nasayang dahil sa mahabang power outages matapos ang pananalasa ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.


Ayon sa Visayas Vaccination Operations Center (VVOC), 171,703 doses ng COVID-19 vaccines ang nasayang as of Feb. 28, kung saan nasa 171,703 indibidwal sana ang nabakunahan.


Ang mga nasayang na nabakuna ay mga hindi nabuksang vials, na hindi na puwedeng iturok dahil sa breakage, expiration, temperature excursion at contamination, ayon sa VVOC.


Ipinaliwanag ni Dr. Mary Jean Loreche, spokesperson ng VVOC at chief pathologist ng Department of Health (DOH) sa Central Visayas, na karamihan sa mga bakunang nae-expire ay dahil sa pananalasa ng bagyong Odette sa Central Visayas kung saan matinding hinagupit ang mga probinsiya ng Cebu, Negros Oriental, at Bohol.


“Let us remember that there was Typhoon Odette. Many of the vaccines were nearing expiry at that time,” aniya.


Iginiit din ni Loreche na nagdulot ang bagyong Odette ng pagkawala ng power supply sa rehiyon kabilang ang mga ospital at iba pang health institutions kung saan nakaimbak ang mga COVID-19 vaccines.


Ang kawalan ng kuryente at internet connection ay naging dahilan din ng pagkakatigil ng vaccination drives ng mga local government.


Nakatanggap ang Central Visayas ng 10.1 million COVID-19 vaccines na iba-ibang brands. Sa bilang na ito, 8.9 million ang naibakuna.


Ayon sa VVOC, 6.5 million indibidwal ang eligible na mabakunahan sa Central Visayas. As of March 10, 61.42 percent, o at least 4 million, ang fully vaccinated na sa rehiyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page