ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 27, 2024
Photo: edt
Nagpahayag ang United States (US) Centers for Disease Control and Prevention (CDC) nu'ng Huwebes na natuklasan ang mga ‘mutation’ sa sample ng unang malalang kaso ng bird flu sa bansa nu'ng nakaraang linggo.
Ang mga mutations na ito ay hindi nakita sa mga sample mula sa mga apektadong backyard flock na matatagpuan sa ari-arian ng pasyente.
Ayon sa CDC, ang sample ng pasyente ay nagpakita ng mga pagbabago sa hemagglutinin (HA) gene, isang mahalagang bahagi ng virus na responsable sa pagdikit nito sa host cells.
Tiniyak ng CDC na ang panganib ng bird flu outbreak sa publiko ay nananatiling mababa, sa kabila ng pag-uulat ng unang malalang kaso ng virus sa bansa noong nakaraang linggo.