ni Lolet Abania | December 14, 2020
Isang vlogger mula sa Cebu ang inaresto matapos ang ginawang pambubugaw umano sa isang menor-de-edad.
Ayon sa pulisya, ni-recruit umano ng vlogger ang 17-anyos na lalaki upang gumawa ng malalaswang video at mahahalay na larawan. Hindi naman binanggit ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng vlogger na suspek at ng menor-de-edad na biktima.
Naaresto ang vlogger sa isang entrapment operation, kung saan isang operatiba ng pulisya ang nagpanggap na bibili ng mga nasabing video at nagpapa-book ng "extra service" sa binatilyo.
Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang binatilyong biktima.
Nakumpiska mula sa suspek ang marked money, ID, passport at cellphone. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang vlogger.
Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Expanded Trafficking in Person Act.