top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 7, 2021




Lumapag na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Cebu Pacific na naghatid sa 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines galing China ngayong umaga, Mayo 7.


Sa kabuuang bilang, umabot na sa mahigit 5 million doses ng Sinovac ang nakarating sa bansa, kabilang ang donasyong 600,000 doses nu’ng February 28 at ang 400,000 doses nu’ng March 24.


Kasama rito ang biniling 1 million doses ng gobyerno na dumating nu’ng March 29 at ang 500,000 doses nu’ng April 11. Kaagad din itong sinundan ng karagdagang tig-500,000 doses nu’ng April 22 at 29.


Sa ngayon ay 1,500,000 doses ang pinakamaraming nai-deliver sa bansa. Sinalubong iyon nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr..




 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Magbabalik na ang domestic at international flight sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ), matapos makansela ang ilang biyahe noong mga nakaraang linggo dahil sa surge ng COVID-19.


Ayon sa Cebu Pacific, "Will continue to operate its domestic and international flights as scheduled. However passengers who wish to postpone their flights and those traveling for non-essential reasons may select their preferred option through the Manage Booking portal on the Cebu Pacific website."


Binalaan naman ng Philippine Airlines ang mga biyaherong mamemeke ng COVID-19 RT-PCR o antigen tests results, kung saan P50,000 ang multa o mahigit 6 na buwang pagkakakulong ang karampatang parusa.


Ito ay matapos mahuli ang 15 indibidwal na nameke ng test results para lamang makabiyahe sa Cotabato, Dipolog at Zamboanga.


Ayon sa PAL, "We wish to alert the public to secure authentic COVID-19 test results only from legitimate medical providers. Safe travel is always the paramount concern, and airlines and authorities are vigilant in not accepting travelers holding fake RT-PCR or Antigen test results, for everybody's protection."


Kasong paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang haharapin ng mahuhuling lalabag.


Sa ngayon ay mga essential travelers lamang ang pinapayagang makabiyahe dahil sa banta ng COVID-19.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021




Kanselado ang mga international flights ng Philippine Airlines (PAL), kasabay ang pagpapatupad sa limitasyon na 1,500 international arrival sa bansa kada-araw simula Marso 18 hanggang sa ika-18 ng Abril, dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, kabilang sa kinanselang biyahe ang mga sumusunod: March 18

• PR 658/659 - Manila-Dubai-Manila

• PR 684/685 -Manila-Doha-Manila

• PR 5682/5683 - Manila-Dammam-Manila • PR 116 - Manila-Vancouver

• PR 102/103 - Manila-Los Angeles-Manila March 19

• PR 117 - Vancouver-Manila

• PR 507/508 - Manila-Singapore-Manila

• PR 100/101 - Manila-Honolulu-Manila

• PR 102/103 - Manila-Los Angeles-Manila

• PR 126 - Manila-New York

• PR 300/301 - Manila-Hong Kong-Manila

• PR 427/428 - Manila-Tokyo (Narita)-Manila

• PR 425/426 - Manila-Fukuoka-Manila

• PR 411/412 - Manila-Osaka (Kansai)-Manila March 20

• PR 127 - New York-Manila • PR 5682/5683 - Manila-Dammam-Manila

• PR 104/105 - Manila-San Francisco-Manila March 21

• PR 427/428 - Manila-Tokyo (Narita)-Manila

• PR 535 - Manila-Jakarta

• PR 110 - Manila-Guam March 22

• PR 536 - Jakarta-Manila

• PR 111 - Guam-Manila

• PR 421/422 - Manila-Tokyo (Haneda)-Manila

• PR 437/438 - Manila-Nagoya-Manila


Kaugnay nito, nagkansela na rin ng apat na flights ang Cebu Pacific ngayong araw, partikular ang biyaheng Manila-Tokyo-Manila at ang Manila-Nagoya-Manila.


Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa Philippine Airlines at Cebu Pacific para sa rebooking o refund.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page