ni Jasmin Joy Evangelista | January 18, 2022
Nilinaw ng Cebu Pacific nitong Lunes na papayagan lamang bumiyahe ang mga menor-de-edad na hindi bakunado kung sila ay returning residents at may kasamang fully vaccinated guardian.
Sa isang advisory, ipinahayag ng Cebu Pacific na sila ay sumusunod sa polisiya ng Department of Transportation (DOTr) na ‘No Vaccination, No Ride’ policy na kasalukuyang ipinatutupad habang nananatili sa Alert Level 3 o mas mataas na alert level ang National Capital Region.
"Unvaccinated and partially vaccinated minors (below 18 years old) may be allowed to travel if they are returning residents and accompanied by a fully vaccinated adult. Proof of residency must be presented along with existing LGU requirements, if any," ayon sa advisory.
“CEB will continue to screen and validate passengers prior to acceptance for the flight. Passengers are advised to ensure requirements are complete before proceeding to the airport,” dagdag pa nito.
Ayon pa sa Cebu Pacific, ang mga apektadong pasahero na hindi makabibiyahe hanggang Jan. 31, 2022 ay puwedeng mag-cancel dalawang oras bago ang kanilang scheduled time of departure at maaaring pumili kung ire-rebook ang biyahe sa loob ng 60 days na walang dagdag-bayad, o i-store muna ang halaga sa virtual wallet na valid sa loob ng dalawang taon.