by Info @Brand Zone | July 17, 2023
QUEZON CITY — Nananatiling mataas ang tiwala ng walo sa kada sampung katao sa Cebu Pacific airline ayon sa survey ng Vox Populi Polls.
Sa gitna ng mainit na usapin sa delays, kanselasyon at iba pang kakulangan sa serbisyo ng mga airline companies, nagsagawa ng nationwide survey ang Vox Populi Polls upang malaman ang mas nakararaming opinyon ng taumbayan sa naturang usapin.
Lumilitaw sa resulta ng market research ng Vox Populi Polls na ang dalawa sa pinakapopular sa isip ng mga respondents kung "Awareness Level" ang pag-uusapan ay ang Cebu Pacific na may 47%, at Philippine Airlines na may 43%. Pumapangatlo lamang ang Air Asia na may 9%.
Nang tanungin ang mga respondents kung sa palagay nila ay sa iisang airline company lang dapat isisi ang mga flight delays at cancellations, 82% ang nagsabing “it is experienced with all of the airline companies.”(lahat ng ito ay nararanasan sa iba't ibang airline companies).
Ang porsiyentong ito ay kumakatawan sa walo sa kada sampung respondents, samantalang ang sumagot ng “Cebu Pacific only" ay 18%, o dalawa lamang sa kada 10 respondents.
Sa kabila ng kontrobersiya sa flight delays and cancellations kung saan tinutumbok ng mga pag atake sa media ang Cebu Pacific, nananatiling mataas ang porsiyento ng mga taong may tiwala sa Cebu Pacific batay sa resulta ng sagot ng mga ito sa mga seleksyong “will still ride Cebu Pacific” or choose “other airlines.”
Lumilitaw na 84% responded ang sumagot na “will still ride Cebu Pacific.” Samantala 16% lang ang sumagot ng “other airline.” Ito ay tugma din na walo sa 10 respondents na ang sumagot na ang mga problema sa delays at cancellations ay “experienced with all of the airline companies.”
Samantala, lumilitaw naman na "affordability" ang pangunahing dahila ng mga nagsabing sa Cebu Pacific pa din sila sasakay. Nasa 84% sa mga sumagot ay nagsabing “mura at affordable ang pamasahe” kung kaya sa Cebu Pacific pa rin sila lilipad.
Kung “trustworthiness” o kumpiyansa naman ang usapan, umusad ang PAL ng 41% samantalang ang Cebu Pacific ay nakakuha lamang ng 37%.
Subalit kung “air fare” ang pag uusapan, lamang na lamang ang Cebu Pacific na nakakuha ng 52% kumpara sa PAL na 23%.
Isinagawa ang nasabing market research sa 10 representative areas sa buong bansa gamit ang sample base na 1,200 adult middle class respondents, at isinagawa gamit ang weighted averages. Mas malaki ang lugar na ginanapan ng survey, mas maraming respondents ang pinasagot sa mga tanong ng survey.
Sa distribution ng survey, ito ang ginamit: Luzon - 52%, Visayas - 21%, Mindanao - 27%. Face-to-Face interviews naman ang principal methodology na ginamit.
Ang mga respondents ay lubos na kumakatawan sa demographic profile ng market samantalang lahat ng numero ng resulta ay ipinapakita sa pamamagitan ng percentage.
Random interview ang sistema na ginamit at ang resulta nito ay isinailalim pa ulet sa random “Second Run” check back, kung saan mas nakatitiyak na tumbok nito ang tunay na pananaw ng taumbayan.
Samantala, 2.8 percentage points naman ang ibinigay na error margin, more or less, habang ang confidence level ay inilagay sa 98%. Lahat ng datos ay prinoseso "electronically" gamit ang angkop na statistical applications.
Ang survey ay nakalinya sa “Perceptions and Impressions About Air Travel in the Philippines” ni Art G. Valenzuela, Managing Director ng Vox Populi Polls.