top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 26, 2021



Dumating na sa bansa ang 362,700 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine noong Miyerkules.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Air Hongkong flight LD456 lulan ang mga naturang bakuna.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 50,310 doses ng Pfizer ay dumating sa Cebu City bandang alas-5 nang hapon at 50,310 doses din ang nakatakdang dalhin sa Davao City ngayong Huwebes.


Ang iba pang Pfizer vaccines ay dinala naman sa PharmaServ Express cold-chain storage facility sa Marikina City, ayon sa NTF.


Ayon naman kay Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) sub-task force, ang mga bakuna ay dadalhin sa mga lugar na nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus.


Aniya pa, "Though meron na tayo ngayong tinatawag na from the spot, nagkakaroon agad ng inoculation. Dinadala na agad doon sa area and pagdating doon, ini-inject na kaagad.


"But, again, we leave it to the Vaccine Cluster to decide on whether to which particular area that they will distribute or allocate this Pfizer vaccine."


 
 

ni Lolet Abania | July 22, 2021



Patay ang isang radio commentator matapos barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa harapan mismo ng istasyong DYRB Radyo Pilipino makaraan ang kanyang radio program ngayong Huwebes nang umaga.


Ayon kay Cebu City Police Office (CCPO) Deputy Chief for Operations Lieutenant Colonel Wilbert Parilla, binaril ang biktimang si Renante “Rey” Cortes bandang alas-9:00 ng umaga matapos ang kanyang programa.


Agad na isinugod si Cortes sa ospital subalit idineklara itong dead-on-arrival. “Kanina around 9 o’clock, after sa kanyang program. Then, pagbaba niya, binaril siya ng unidentified. Then, he was rushed to Cebu City Medical Center but unfortunately patay na po siya,” ani Parilla.


Dahil isang media personality si Cortes, ayon kay Parilla, plano nilang bumuo ng isang special investigation task group (SITG) para malalimang imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa biktima.


Batay sa mga saksi, narinig lamang nila ang putok ng baril subalit hindi nila nakita ang salarin. Humingi na rin ng permiso ang mga awtoridad sa pamilya ni Cortes para sa autopsy ng labi niya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 17, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 ang 49 construction workers sa Cebu City.


Ito ay kinumpirma ni Emergency Operations Center Deputy Chief Implementer Joel Garganera at aniya, ito ang unang pagkakataon sa Cebu na may naitalang maraming bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 na nagtatrabaho sa iisang workplace.


Dinala na rin umano ang 49 workers sa isolation center sa Cebu City.


Aniya, napag-alaman na positibo sa COVID-19 ang mga manggagawa matapos isailalim sa swab testing ang mahigit 100 construction workers dahil mayroong isang nagpositibo sa antigen test noong nakaraang linggo. Kasalukuyan pa ring isinasagawa ang contact tracing at karamihan umano ng mga construction workers ay nakatira sa iisang bunkhouse.


Ayon kay Garganera, ang ilan sa mga nagpositibong manggagawa ay walang sintomas ng COVID at ang iba pa ay mayroong mild symptoms. Nanawagan din si Garganera sa lahat ng construction firms sa Cebu na paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols sa mga manggagawa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page