top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021



Pumanaw na si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa edad na 70.


Ito ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Elmer "Jojo" Labella.


Binawian ng buhay ang alkalde bandang 3:15 a.m. ngayong Biyernes habang naka-confine sa Perpetual Succour Hospital.


Ayon sa kanyang anak na si Jaypee Labella, septic shock secondary to pneumonia ang sanhi ng pagpanaw ng kanyang ama.


Matatandaang nag-file ng indefinite leave si Mayor Labella noong Oktubre batay na rin sa payo ng kanyang mga doctor dahil sa pneumonia.

 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos na mabagsakan ng steel railing sa P. Burgos Street, Cebu City.


Sa ulat, kasama ng bata ang kanyang ina kung saan nagtitinda ito ng mga kandila nang maganap ang insidente.


Nakaupo umano ang bata nang bigla na lamang bumagsak ang steel railings at madaganan ito na nagresulta sa kanyang pagkamatay.


Agad na ipinatanggal ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang mga railings sa lugar.


Wala namang ibinigay na iba pang detalye ang mga awtoridad matapos ang insidente.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 19, 2021



Bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa Cebu City, ayon kay Acting Mayor Michael Rama.


Mula raw sa surge na daan-daang kaso, 96 na lang ang kaso sa lungsod, dagdag niya.

Downward trend na aniya ang nakikita sa Cebu City at dati na ring ipinatutupad ang mga granular lockdown.


Samantala, umabot na sa 600,000 ang nabakunahan sa Cebu City mula sa target na 700,000.


Pero ayon kay Rama, plano pang taasan ang target na mabakunahan.


Sisimulan na rin umano ang pagbabakuna sa gabi para mas marami ang mahikayat na maturukan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page