top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 29, 2022



Tinatayang nasa mahigit P39 milyon ang halaga ng pinsala at 70 na mga establisimyento ang natupok sa APM Mall sa S. Soriano Avenue, Barangay Mabolo sa Cebu City Biyernes.

Ayon sa report, nagsimula ang sunog ng bandang 2 p.m., at nagtagal ng halos 5 oras bago idineklarang fire out.


Nasa 62 fire trucks ang nagtulungan upang maapula ang apoy na umabot ng ika-3 alarm.


Ayon kay Cebu City Fire Office spokesperson SFO2 Wendel Villanueva, sa food court ng mall nagsimula ang sunog ngunit patuloy pa nilang inaalam ang sanhi nito.


Wala namang naiulat na injury at agad nailabas ang mga empleyado at customer ng mall.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 21, 2022



Hindi na papayagang makapasok sa mga shopping mall at iba pang indoor establishments ang mga hindi bakunado sa Cebu City simula ngayong linggo.


Ang “no vaccination, no entry” policy ayon sa Executive Order No. 157 ni Mayor Michael Rama ay naglalaman ng kautusang magpakita ng vaccination cards ng mga indibidwal na papasok sa mga establisimyento.


Ang mga batang edad 11 pababa naman ay hindi papayagang makapasok sa mall, habang ang mga 12-17 years old naman ay papayagan lamang kung sila ay fully vaccinated at may kasamang fully vaccinated din.


“The devastating impact of Typhoon ‘Odette’ (international name: Rai) and the continuing threat of COVID-19 have given rise to the need to adopt a unified and collaborative approach for the health and economic recovery [in the city],” ani Rama.


Ang mga establisimyentong lalabag sa kautusan ay babawian ng business permits at pagmumultahin.


Ang curfew para sa mga menor de edad ay mula 10 p.m. hanggang 4 a.m. Para sa mga nonessential or nonwork-related travels, ang curfew ay mula 11 p.m. hanggang 4 a.m.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 6, 2021



Bukod sa proteksiyon kontra-COVID-19, posible pang manalo ng bahay at kotse ang mga bakunadong residente ng Cebu City.


Para lalo pang maengganyo ang mga hindi pa nababakunahan, magpapa-raffle ang Cebu City LGU ng iba’t ibang papremyo kabilang nga ang bahay at kotse.


Sa unang draw ng “PabakunaTa Bonanza” raffle program, dalawa ang nanalo ng motorsiklo, isa ang nanalo ng laptop, at lima ang nakatanggap ng P25,000 halaga ng gift checks mula sa SM Supermalls o Metro Rail.


Nagpa-raffle din ng limang washing machines, 40 32-inch TV sets, 50 sacks of rice, 100 electric fans at 50 flat irons.


Para naman sa mga empleyado ng gobyerno, Christmas bonus ang maaaring matanggap ng fully-vaccinated.


Para naman sa grand raffle draw sa Dec. 23, isang house and lot sa Deca Homes Subdivision at brand-new Toyota Vios ang mga papremyo.


Ang mga hindi pa bakunado ay puwedeng mag-register sa pabakunata.com.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page