top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 20, 2021



Pumanaw na ang dating governor ng Cebu na si Emilio Mario Renner "Lito" Osmeña sa edad na 82, ayon sa kanyang anak na si Mimo Osmeña noong Lunes.


Saad ni Mimo sa kanyang social media post, "So long Dad! You will always be part of us. Thank you is not enough!"


Hindi binanggit kung ano ang sanhi ng pagpanaw ng dating governor.


Samantala, si Lito ay apo ni dating Pangulong Sergio Osmeña at nagsilbi siya bilang governor ng Cebu simula noong 1988 hanggang 1992.


Kabilang din sa mga “notable projects” ni Lito ay ang Cebu Transcentral Highway at Cebu Business Park.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 22, 2021



Mariing sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na hindi niya susundin ang korte sa pagha-handle ng COVID-19 pandemic.


Saad ng pangulo, “I’m a lawyer. I respect the judiciary and I can assure them that we will follow the orders but at this time of a national emergency, I would just like to inform the courts that I will not follow them.


“I will insist on what is necessary to protect the people.”


Pahayag pa ni P-Duterte, "The courts are put to notice that what we have there is a national emergency. That is why we came with a proclamation declaring this pandemic is of a national interest.


"So ‘yung mga korte, hindi naman sa inyo, huwag na lang ninyong ipalabas kasi magkakaroon ng impasse and I do not want to lock horns with the judiciary. I said, inirerespeto ko, but there are times that… may panahon na… there’s always a time that the courts can function normally and maybe grant injunctions. But this time, I said they are put to notice.


“I will not obey the courts in the matter now of management the pandemic.


“I do not want anybody from any government agency or department messing up with a situation which I said is being managed because it’s very dangerous to the country.”


Matatandaang kamakailan, nanawagan ang Cebu local government unit na magsagawa ng testing sa mga biyahero pagdating sa airport. Kapag nagnegatibo ang resulta ng test, maaaring sumailalim sa home quarantine ang mga ito.


Taliwas ito sa national government protocols na kailangang sumailalim sa facility-based quarantine ang mga biyahero “upon arrival” at magsasagawa lamang ng RT-PCR test sa ika-pitong araw nila sa quarantine.


Ayon naman kay Health Secretary Duque, natatakot ang ilang health protocols implementor sa Cebu dahil sa pag-iisip na makasuhan sila kapag hindi nila sinunod ang provincial ordinance.


Saad pa ni Duque, “They (implementing units in the province of Cebu) have really raised the matter before the IATF for the last several days that they are really fearful of the consequences that they might be held to court or filed cases against if they do not follow the provincial ordinance and the executive order that was issued by Cebu Gov. Gwen Garcia.”


Nilinaw naman ni P-Duterte na ang ordinansang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ay “Cannot be higher than a national policy which is the policies that we are briefing out.”


Saad pa ng pangulo, “I’m sorry but hindi lahat ng bagay, the courts can interfere.


"This is not a question of justice and inequity, this is a question of survival of the nation.


“I will not allow any court on that matter. I’m putting notice. Hindi ako susunod.”


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 30, 2021



Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) Cebu head na si Police Colonel Englebert Soriano ang pagpatay sa 80-anyos na dating pari at peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Fr. Rustico Tan sa Pilar, Barangay Poblacion Camotes Island, Cebu nitong Biyernes nang gabi.


Ayon kay Soriano, “It was really dark that time. As of now, we have yet to get eyewitnesses for the crime. But the Scene of the Crime Operatives (SOCO) processed the crime scene."


Batay sa ulat, nakahiga si Fr. Tan sa duyan na nasa gawing terrace ng bahay nito pasado alas-8 nang gabi nang pagbabarilin ng suspek sa katawan na naging sanhi ng pagkamatay nito.


Samantala, tumanggi naman ang mga kamag-anak ng biktima na ipa-autopsy ang labi nito upang kaagad mai-cremate.


"The family already asked the body to be buried. They are not interested anymore with whatever future findings of the police with respect to the possible outcome of the autopsy," sabi pa ni Soriano.


Gayunman, nilinaw ni Soriano na ipagpapatuloy pa rin nila ang imbestigasyon kahit walang autopsy.


"We will pursue this. We will get to the bottom of the investigation until we identify and file charges against the suspects," deklara niya.


Samantala, iniugnay naman ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagpatay kay Fr. Tan sa sinapit ng 74-anyos na NDFP peace consultant na si Reynaldo Bocala.


Ayon pa sa KMU, “Ang magkasunod na insidente ng pagpatay ay naganap dalawang linggo matapos isapubliko ng Anti-Terrorism Council ang listahan ng mga NDFP consultant na pinagbibintangan nitong mga terorista… Ang dalawang NDFP consultant na pinaslang ay parte ng negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas at ng rebolusyunaryong kilusan upang bigyang solusyon ang ugat ng armadong tunggalian.”



 
 
RECOMMENDED
bottom of page