top of page
Search

ni Lolet Abania | January 17, 2022



Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Carcar City ng Cebu at San Vicente town ng Ilocos Sur bilang Heritage Zones para maprotektahan ang kanilang historical at cultural integrity.


Ito ang nakasaad sa ilalim ng Republic Act 11644 at 11645, na nilagdaan ng Pangulo na naisabatas noong Enero 14, 2022, subalit ibinaba lamang ngayong Lunes, Enero 17.


Nakapaloob dito, “The measure mandates the DOT (Department of Tourism), in coordination with the respective host local government, the NCCA (National Commission for Culture and the Arts) and its affiliated cultural agencies, and the Department of Environment and Natural Resources (DENR) to prioritize a development plan involving the preservation, conservation, restoration, and maintenance of cultural and historical sites and structures for the enhancement and sustainability of tourism in the said areas, provided that the NCCA will only approve methods and materials compliant with international standards of conservation in undertaking conservation and restoration work under relevant laws, including the National Integrated Protected Areas System Act.”



Isasama sa Heritage Zones ang mga cultural properties na idineklara bilang National Cultural Treasures and Important Cultural Properties, gayundin, ang mga National Historic Landmarks, Shrines, Monuments, at Sites, at gaya ng iba pang tinatawag na immovable, movable o intangible cultural properties, ito man ay pampubliko o pribadong pag-aari, na maaaring itinalagang isama rito ng NCCA at ng kanilang affiliated cultural agencies, sa koordinasyon ng naturang lokal na pamahalaan.


Samantala, itinalaga ni Pangulong Duterte si Oscar Casaysay bilang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) executive director.


“We wish Executive Director Casaysay all the best in his new undertaking as he leads NCCA in the preservation, development, and promotion of Philippine arts and culture,” ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang statement.

Si Casaysay ay naglingkod sa Davao City government noong mayor pa si Pangulong Duterte.


 
 

ni Lolet Abania | December 4, 2021



Simula sa Enero 2022, ang mga indibidwal na hindi pa nabakunahan kontra-COVID-19 ay hindi papayagan sa mga indoor at outdoor na mga establisimyento sa Cebu City.


Gayunman, ang mga nasa edad 11 at pababa na kasama ang kanilang mga magulang o guardian na fully vaccinated na ang papayagan sa mga establisimyento.


Dapat namang i-require ng mga establisimyento sa mga kustomer na magpakita ng kanilang vaccination cards bago pa ang mga ito pumasok.


Ang bigong gawin ang mga panuntunang ito ang magiging basehan para ipasara ang isang establisimyento.


Nakatakdang mag-isyu ang Cebu City local government unit (LGU) ng isang executive order hinggil dito sa Disyembre 29.


 
 

ni Lolet Abania | September 28, 2021



Tatlo ang patay, kabilang ang isang 7-anyos na bata matapos na iragasa ng flash flood mula sa Tinubdan Falls sa Catmon, Cebu, kamakalawa.


Sa isang regional television report, makikita sa video ang mga kalapit na mga residente sa lugar ay sinusubukan pang sagipin si Kent Jude Monterola na na-stuck habang nakahawak ito sa isang bato sa kabila ng matindi at malakas ng agos ng tubig.


Gumamit pa ang mga residente ng lubid para mahila ang biktima at maiahon ito sa tubig subalit bigo silang mailigtas si Monterola.


Sa ulat, si Monterola ay nagpi- picnic kasama ang kanyang kaanak na si Jacel Alastra, 32 at anak nitong babae na si Princess Alastra, kung saan malapit sa waterfalls.


Nang matapos ang kanilang picnic, nag-swimming ang mga ito malapit sa waterfalls nang biglang rumagasa ang malaking agos ng tubig na tumangay sa kanilang lahat.


Nawala si Jacel habang ang katawan nina Princess at Monterola ay narekober na ng mga awtoridad.


Ang saksing si Carlos Japitana Dolendo na siyang kumuha ng video ay labis ang pagkatakot nang makita niya ang malakas na water current na umaagos.


“That was the most unforgettable moment that happened in my life. Na sobrang killer, killer talaga, killer talaga ‘yung tubig,” salaysay ni Dolendo.


Samantala, isa pang katawan ang natagpuan matapos ang insidente sa naturang waterfall noong Linggo, pahayag ng isa sa mga rescuer ng Catmon Police Station.


Ayon kay Police Senior Master Sergeant Ben Naveles, nakatanggap sila ng report mula sa Carmen Police Station ngayong Martes nang umaga na nakakita ang isang mangingisda ng isang katawan ng babae.


“May natanggap rin kaming report galing sa Carmen Police Station na may mangingisdang nakatagpo ng babaeng patay na palutang-lutang sa karagatan ng Barangay Luyang, Carmen, Cebu,” sabi ni Naveles.


Ayon sa Catmon police, ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa mga bundok ang sanhi ng flash flood.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang gobyerno ng Catmon sa lugar kung saan naganap ang picnic dahil ang naturang establisimyento ay wala umanong license to operate.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page