ni Jasmin Joy Evangelista | January 17, 2022
Nakatakdang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si National Artist for Literature F. Sionil Jose. sa Martes.
Bago ang inurment, magkakaroon ng Misa ganap na 10 a.m. na susundan ng funeral.
Dahil sa umiiral na COVID-19 protocols, ang inurment ay by invitation lamang.
Mapapanood naman via Facebook live ang funeral sa FB page ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Ang 97-anyos na novelist ay pumanaw noong Enero 6, 2022 sa Makati Medical Center habang naghihintay ng kanyang angioplasty.
Kilala si F. Sionil bilang isa sa most widely read Filipino authors sa English language, kung saan ang mga akda nito ay naisalin na sa 28 iba’t ibang lengguwahe.
Ginawaran ng gobyerno si Jose bilang National Artist for Literature noong 2001.