ni Twincle Esquierdo | September 1, 2020
Naniniwala si Bishop Jose Colin Bagaforo ng Diocese ng Kidapawan na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa siyam na Muslim sa Kabacan, Cotabato province noong Sabado, Aug. 29 kung magkakaroon agad ng imbestigasyon dito.
Kamakailan, inilabas ng Kabacan Municipal Police Station ang impormasyon na ang mga biktima ay nakatayo lang sa gilid ng kalsada nang paputukan ng baril. Sinubukan pa ng ilan sa mga biktima na pahintuin ang salarin ngunit binaril din sila nito.
Dead on the spot ang walong biktima, habang agad namang dinala sa ospital ang isa pa ngunit dead on arrival na rin ito.
Dahil dito, naglabas ng pahayag at pagsuporta si Bishop Bagaforo sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) para kondenahin ang nangyari at nanawagang gawin ang lahat sa paglutas sa kaso.
Aniya, “Both the Diocese of Kidapawan and the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) national secretariat on social action NASSA) are one with the BARMM government in calling for an impartial investigation into the case of the nine Muslims who were summarily executed in Kabacan.
“We call on everyone, whatever their faith, to offer prayers for peace. May this incident not be the start of further violence, we ask all our government leaders to do everything for justice to the victims and to exert all efforts to maintain peace among us,” saad ni Bagaforo.
Umapela naman si Col. Henry Villar, chief of the Cotabato Police Provincial Office sa publiko na tigilan ang mga haka-haka tungkol sa pag-atake.
“So as not to add fuel to the fire,” aniya pa.