top of page
Search
  • BULGAR
  • Oct 24, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 24, 2023



Umalis mula sa executive committee ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) Commission on Public Affairs executive secretary na si Father Jerome Secillano.


Ito ay para mapanatili ang kalayaan ng CBCP bilang isang organisasyon.


"We can always tell them the issues on the ground. We can always be somehow honest with them," ani Secillano.


Dagdag niya, mas magiging direkta ang panel ng CBCP sa NTF-ELCAC matapos maputol ang kanilang koneksiyon sa isa't isa.






 
 

ni Lolet Abania | May 8, 2022



Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa publiko na isagawa ang tatlong araw na taimtim na panalangin o “intense prayer” para sa gaganaping 2022 elections sa Lunes, Mayo 9.


Inaasahan ang bawat Katoliko, simula ngayong Linggo, Mayo 8 hanggang sa Martes, Mayo 10, na magbibigay ng oras para manalangin at upang magkaroon ng malinaw na kaisipan sa mga kandidatong karapat-dapat na kanilang iboboto.


Ayon kay CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, ang pananalangin o pagdarasal ang isa sa pinakamainam na paraan para makatulong sa mga Pilipino sa pagpili ng kanilang bagong iluluklok na mga lider ng bansa.


“We can only fight this battle in the best way we can – through prayer and well-discerned action,” saad ni Bishop David.


Hinikayat din ng CBCP, ang mga obispo at arsobispo na kanilang patunugin ang mga kampana ng mga simbahan nang umaga, sa pagsisimula pa lang ng eleksyon sa Mayo 9, na tatagal ng 10 minuto.


Ani Bishop David, simbolo umano ito para mataboy ang mga posibleng ilegal na gagawin ng mga kandidato tulad ng vote-buying, pananakot at iba pang uri ng karahasan sa panahon ng eleksyon.


 
 

ni Lolet Abania | March 28, 2022



Naglunsad ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Lunes ng kanilang 40 days of prayer at discernment campaign para sa 2022 national at local elections upang maabot ang mas maraming kababayan at makatulong na makapamili nang mabuti ng mga kandidato na nababatay sa pamantayan ng Diyos.


Ang unang araw ng 40 days of prayer ay gaganapin sa Marso 30, 2022, habang eksakto 40-araw ito hanggang May 9 elections.


Sa ginanap na “I Vote God” media conference, sinabi ni Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Antonio Labiao Jr. patuloy nilang tutulungang palakasin ang mga mamamayan at isusulong ang mabuting pamamahala sa bansa sa pamamagitan ng voters’ education programs bago pa ang eleksyon.


“In 40 days, sana meron tayong magagawa. We can reach out to more people. Ang importante na ang voters natin, makilala nila nang lubos kung sino ‘yung mga kandidato para hindi lang tayo nagboboto dahil inutusan tayong bumoto at dahil lang nakuha natin sa social media,” sabi ni Fr. Labiao.


Binigyan-diin din ni Fr. Labiao, ang kahalagahan ng pagtanggi sa vote buying o pagbebenta nito dahil aniya, nababawasan ang kasagraduhan ng tinatawag na people’s vote.


“Sana ‘wag tayong bumoto na dahil merong pera na kapalit ito or else we lose already the sacredness of our vote, we surrender our power, wala na tayong karapatan magsalita kasi binenta na natin ‘yung ating kapangyarihan,” dagdag pa niya.


Naglabas naman ang CBCP nitong Linggo ng isang pastoral letter na nilagdaan ni CBCP president at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, kaugnay sa panawagan sa mga botante at mga kandidato na huwag makisali sa vote selling dahil aniya, “it is a serious offense against God.”


“Each vote is important, so important that it is sought, bought and even stolen. Our vote is our voice and decision. When we sell our vote, we lose our voice and decision. It is like giving up our freedom and our future,” pahayag ni Bishop David.


“[We] should be reminded that taking advantage of the poverty and vulnerability of people in order to acquire votes or advance one’s selfish gain is a serious offense against God,” dagdag ng obispo.


Sa parehong liham, umapela din ang CBCP sa publiko, mga kandidato at iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulung-tulong upang matiyak na ang darating na eleksyon ay magkakaroon ng Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful (CHAMP), at Safe, Accurate, Fair Election (SAFE).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page